menu-iconlogo
logo

Makapangyarihan

logo
Letras
Makapangyarihan

Makapangyarihan

Takipsilim umabot ng bukang liwayway

Mga kamay at bandera na iwinawagayway

Halos hugotin sa ilalim kung kinakalaykay

Sa kapangyarihan kong taglay lahat ay sumusubaybay

Dekada ng tumikada di na nagpapalit ng plaka

Na ipasa ko na aking awiting mistulang na parang chapa

Nakakadena ang mga bara sa karunungan ng iilan

Kagubatan na aking nilalakaran

Maraming panganib mula sa daan kahit siksikan sa pintuan

Pangarap ko'y patuloy dumadaloy umaagos ng walang hintuan

Bawat awit ay pinusuan ng masang naniniwalang merong pag asang matutunan

Ang musika'y sadyang malawak ibat-iba ang hatak

Dyamante sa nabubulok na burak ilang taon ko 'tong hinanap

Ngayong ko nalasap ang sarap humiga sa alapaap

Isang makapangyarihang nilalang na ang taglay

Ay musika na pinanghawakan walang alinlangan

Sa aking paglalakbay at bawat pinagdadaanan

Pagkat ang mga pangarap sa balikat ko'y pasan

Lilipad hanggang masuntok ko ang buwan

Dahil makapangyarihan isang musika na makapangyarihan

Gumagalaw ng walang tinatapakan ginugulangan

Ang pasensya ko'y sumobra pwedeng pwede nilang utangan

Tanggalin ang maskara sayong mukha panandalian

Bisita kang nakaupo saking mesang hinainan

Sustansya ang bunga ng mga putaheng tinikman

So dumistansya ka muna ang mga anino moy sundan

Ang resentensya ang una sa mga makipot na daan

Naging deperensya ay kontra kaya suporta ay bilang

Isang makapangyarihang nilalang na ang taglay

Ay musika na pinanghawakan walang alinlangan

Sa aking paglalakbay at bawat pinagdadaanan

Pagkat ang mga pangarap sa balikat ko'y pasan

Lilipad hanggang masuntok ko ang buwan

Dahil makapangyarihan isang musika na makapangyarihan

Nag-aapoy na sa ibabaw mga baga sa ilalim

Tahimik mag-ingay na di masukat akalain

Masisibak kung sino satin unang pulikatin

Ang karera ay tuloy bawal tumakbong alanganin

Ang musika'y tunog na pampagising

Leeg ko'y naibaling nakita ang mundo ng ating sining

Sa paglubog ay masisinagan maeenganyo kat ganahan

Taglay ko ang kapangyarihan instrumento sa unang elemento

Bawat putak patak kumakarga ng ilang metro

Sinipa ko sinentro positibo ang komento

Beterano ang galawan na sanay na sa engkwentro

Bueno sino makakapagsabi na ang pangarap ko ay di nagbunga

Isa ka sa mga nakakita na pagsusumikap mula nung una

Hitik na hitik ang bunga inaasam na makakuha

Mabuting taglay ay kapangyarihan ipinagkaloob ng mga sinauna

Makapangyarihan makapangyarihan