menu-iconlogo
logo

Iisang Tulay

logo
Letras
Tirik ang araw nakalinya siksikang nakapila

Tumutok ang pangalan sa roleta't makilala

Sa daming kumikinang marami parin ang iilang

Yamang di pa nakikita na parang yamashita

Iba't ibang pakara kanya- kanyang mga padama

May mahusay may pera may tyaga at nakachamba

Patipato ang gusto kahit may pamanggulo

Kung sugal ay unahan sa tuktok ng triangulo

Industriyang kinamulatan nating tila paligsahan

Kanino tatapat ang ilaw dito sa gitna

Aral na di kagad pumasok sa ulong may katigasan

Umabot na sa puntong magpalitan ng tingga

Mga iheng nagtaasan mga kwentong paangasan

Ngyare tong lahat sa nilakaran kong daanan

Alam mo na di kailangan mgbungguan magbanggaan

Kung tayo tayo din ang magkikita sa hangganan

Kaya bakit ba tayo'y hindi susunod sa tadhana

Halika na't kumapit ka tayo din naman ang magkakasama

Sa industriya ng musika isa lang ang dadaanan

Isa lang ang dadaanan nating tulay

Ibat ibang himig minsan negosyo minsan ay hilig

May mga bunga ng galit at may dahil sa pag ibig

Maraming nagsisitsitan sa daming nagsisiksikan

Sa pila nag sisingitan sa pwesto nag kikiskisan

Kampo kampo bukod bukod lahat may saksak sa likod

Pag bago para bang obligadong maging taga sunod

Lahat may pang ambag lahat puro gigil

Kada may dadagdag meron naniningil

Nakikiuso lang pag bago laos na pag naluma

Mababaw pag sumikat pg malalim di makuha

Ng kamulatang pasa pasa

Dekada ng sistema sa industriya at sa kultura

Sama sama sa isang tulay habang naglalaglagan

Kapayapaan ang sinisigaw habang nagbabanggan

Tayo tayo di na magbabago lika sumama ka

Buksan ang isip na sarado sa pagkakaisa

Kaya bakit ba tayo'y hindi susunod sa tadhana

Halika na't kumapit ka tayo din naman ang magkakasama

Sa industriya ng musika isa lang ang dadaanan

Isa lang ang dadaanan nating tulay

Hatakan tayo paakyat hanggat sa umangat

Hanggang ang ating musika ay tangkilikin ng lahat

Akayin ang mga luma gabayan ang mga bago

Bawas nega bawat kilos dapat laging positibo

Sakripisyo tyaga at hirap pagsusumikap

Ang mangarap ang hakbang sa katuparan ng pangarap

Alam ko na alam nyo rin

Na kaya natin tong gawin

Sa ngalan ng kultura sama sama natin tawirin

Kaya bakit ba tayo'y hindi susunod sa tadhana

Halika na't kumapit ka tayo din naman ang magkakasama

Sa industriya ng musika isa lang ang dadaanan

Isa lang ang dadaanan nating tulay

Kaya bakit ba tayo'y hindi susunod sa tadhana

Halika na't kumapit ka tayo din naman ang magkakasama

Sa industriya ng musika isa lang ang dadaanan

Isa lang ang dadaanan nating tulay

Iisang Tulay de MIke Kosa/Skusta Clee/Og Sacred - Letras y Covers