menu-iconlogo
logo

Grasya

logo
Letras
Ang paggising sa umaga ay biyaya

Kumilos na agad wag kang basta tumutunganga

Mamatay ka ng mahirap ay iyong kasalanan

Mahirap din kami pero gusto namin yumaman

Sinasalubong sa umaga ng magandang araw

Pangarap na gusto maging walang makakaagaw

Kayod parin noon di kami laki sa layaw

At kasalanan kong hindi maging mayaman balang araw

Bawat kalye opisina gigising ka

Sa bawat pagsubok na bubusina

Ang kumpyansa ay galing yan lang ang tanging gasolina

Magkaron ka ng papel sa dambuhalang tarpulina

Sa daan ng galaw hindi na magkanda ugaga

Sunog sa araw at pansin na ang pagka baluga

Na walang titigil sa paringas at pagbabaga

Kailangan masubuan sa bunganga ang alaga

Patintero sa apoy na linya nitong kalsada

Bawat pasada rumaratrat at rumaratchada

Kung tatamad tamad papano tayo giginhawa

Kung virus ang kasipagan ayos lang ako'y mahawa

Ang paggising sa umaga ay biyaya

Kumilos na agad wag kang basta tumutunganga

Mamatay ka ng mahirap ay iyong kasalanan

Mahirap din kami pero gusto namin yumaman

Para samin ang paggising sa umaga ay biyaya

Kumilos na agad wag kang basta tumutunganga

Mamatay ka ng mahirap ay iyong kasalanan

Mahirap din kami pero gusto namin yumaman

Were not getting any younger bawal munang maglibang

Pag pinalad kana yumaman dyan ka sakin mag abang

Ng madiligan na rin ang mga lupa na tigang

At makumpleto ang rekadong paboritong sinigang

Todo kahig para kahit konti ay merong matuka

Bituka ay umaaray sa gutom na walang wala

Sa daliri ay bilang ko na kasama sa baba

At sa ating pag angat ay sama samang tutungga

Tagumpay ay bunga ng pawis at pagsusumikap

Na sa bawat pagpatak ay grasya na bumabalikat

At hindi nagpaapekto sa bwitre at taratitat

Inapak ang paa kahit ramdam na ang pulikat

Punan mo ng laman ang mga tenga na kawali

Habang merong pulong sa loob ng strata ng gusali

Pano to makakamit kung di ka nagbaka sakali

Mga dating empleyado ngayon bigtime na may-ari

Tanging puhunan puro tapang at tatag

Sa diskarte ay mahusay dulot ng pagsisipag

Panalangin na umahon sa alon ng kahapon

Darating ang panahon mapapabor at sasang ayon

Walang medalyang na tanggap doon sa klase

Walang diplomang naiabot sakin parati

Para sakin hindi lang dito mo dapat na ibase

Dahil pwede kang yumaman sa diskarte mo sa kalye

Ang paggising sa umaga ay biyaya

Kumilos na agad wag kang basta tumutunganga

Mamatay ka ng mahirap ay iyong kasalanan

Mahirap din kami pero gusto namin yumaman

Para samin ang paggising sa umaga ay biyaya

Kumilos na agad wag kang basta tumutunganga

Mamatay ka ng mahirap ay iyong kasalanan

Mahirap din kami pero gusto namin yumaman

Maging masaya ka sa tagumpay ng iba

Gawing inspirasyon kesa kainggitan sila

Magkaiba tayo ng kilos talino at galawan

Pero parehas lang naman tayo ng gustong yumaman