Yo mason wag ka na kaya kong magisa
Gusto mo lamang magpasikat dito saking kanta
Ano ka ba mike kosa ako pa ang mali
Sige sa bago kong kanta ay featuring ka uli
Kay dami nang mga kalaban ang hindi umubra
Kasing dami ng respeto na aking kinubra
Masasabi bang wag pag may pumapalakpak
Sa lahat ng kanta ko na iyong sinasalampak
I mean pinapakinggan ha ha teka lang mason
Ang kanta koy namamayagpag na sa central luzon
Easy lang pareng kosa baka presyon tumaas
Kumpara naman sa bakal ikaw ang mas matigas
Teka nga mason karet wag kang makulet
Bakit sumisingit ka sa kanta kong malupet
Hindi naman sa ganun gusto ko lang namang tumulong
Na ubusin ang kaaway mo at hiphop ay isulong masama ba yun
Hindi tama nga ang panukala
Kung meron sampung mali lahat nang yan dapat itama
Hindi pa natin panahon kaya dapat magtulungan
Na ibangon ang hiphop sa pilipinas korek ka diyan
Yo mason wag ka na kaya kong magisa
Gusto mo lamang magpasikat dito saking kanta
Ano ka ba mike kosa ako pa ang mali
Sige sa bago kong kanta ay featuring ka uli
Anong silbi ng iyong mamahaling suot
Kung ang iyong papel basa at palaging lukot
Huwag ka na ngang sumagot kasi palyado at bulol
Nagpahasa ng dila sa taong mas mapurol ang utak
That's right bigyan ko kaya ng lekson
At kaya kong pabagsakin lahat ng yong koneksyon
Matibay akong proteksyon kahit di dumaan ang pangit
Gagaling ka sana kung meron kang utak na aking gamit
Yan yan diyan ka lang magaling
Pinapapatulan mo pa rin kahit walang narating
Eh sumasama ka pa kasi eh ako nga hindi kinaya
Na lumikha lang saking letra
Magpaparatang na nanggaya daw ako
Sabi nila ang tanong ko lang kanino
O nainggit ka lang sa mga letra kong pinino
Yan si pareng kosa tama lang na magyabang
Kasi akyong lahat sa karangalan ay tiganga
Yo mason wag ka na kaya kong magisa
Gusto mo lamang magpasikat dito saking kanta
Ano ka ba mike kosa ako pa ang mali
Sige sa bago kong kanta ay featuring ka uli
Walong bilang panghuli para sakin nato
Isama mo naman ako sa lahat ng pangarap mo
Sa susunod kong kanta ay kakanta ka pa ba
Kahit wala ng makalaban na nagpapakaba
Bat hindi mike kosa dapat kong tiyakin
Kung meron lalaki pang ulo dapat ay biyakin
Mason kulet karet ginawa mo silang buko
Tutuktukan kita kong lapis koy naging tako
San mo ba nakukuha ang husay mong kataga
Kung titignan lang sa itsura moy hindi halata
Ha ha ganyan lang talaga tago ang aking prueba
Parang may sintomas na hindi pa alam itoy amoeba
Malalim ka talaga inuuto mo lang ako eh
Kumukuha ka lang sakin ng teknik at diskarte
Hindi ah siguro parehas lang tayong matibay
Na hindi kayang pabagsakin ng kahit sino mang kaaway
Yo mason wag ka na kaya kong magisa
Gusto mo lamang magpasikat dito saking kanta
Ano ka ba mike kosa ako pa ang mali
Sige sa bago kong kanta ay featuring ka uli
Yo mason wag ka na kaya kong magisa
Gusto mo lamang magpasikat dito saking kanta
Ano ka ba mike kosa ako pa ang mali
Sige sa bago kong kanta ay featuring ka uli
Yo mason wag ka na kaya kong magisa
Gusto mo lamang magpasikat dito saking kanta
Ano ka ba mike kosa ako pa ang mali
Sige sa bago kong kanta ay featuring ka uli