menu-iconlogo
logo

Paglisan

logo
Letras
Bakit pa kailangan na masaktan ang puso kong ito sa iyong paglisan

Hapdi ang syang naramdaman

Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan

Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam

Verse 1

Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan

Na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan

Ng umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat

Tinatanong saking sarili kung hindi pa ba sapat?

Ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo

Bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito

Pilit na inaalala mga bagay na nangyari

Saking puso at sa isip kalungkutan ang naghari

At naghiwalay tayo na di man lang nakapag usap

Hanggang sa huling sandali wala ng pangungusap

Na lumalabas sa labi mo na gusto kong malaman

Kung bakit nagkaganto at bakit mo ko iniwanan

Dahil ba sa sabi sabi at mga bali balita

Di mo na ko tinanong at tuluyan kang naniwala

Sinira mo ang tiwala at akoy tinalikuran

Bakit kailangan kong masaktan sa iyong paglisan.

Chorus

Bakit pa kailangan na masaktan

Ang puso kong ito sa iyong paglisan

Hapdi ang syang naramdaman

Hindi na ba maibabalik ang

lahat ng ating nakaraan

Dahil ba sa huli na ang lahat

sayo'y paalam

Verse 2

Lumipas nga ang panahon at mga sandaling wala ka

'Di na ko umasang babalik ka pa pagkat wala na

Ngang pag asa kahit na ako'y magsisi at lumuha

'Di na mabilang ang tubig na ipinatak sa lupa

Gustuhin ko man na ibalik hindi na maari

Pagkat sa puso mo ay meron ng nag mamay ari

At alam ko na kayong dalawa ay nagmamahalan

Tiniis ko ang sakit at di na kitang pinigilan

Ilang beses kong niloko ang sarili kong ito

Na kaya kong mabuhay kahit na wala sa piling mo

Ngunit hindi pa rin sapat ang maging manhid na lang

Upang itago ang nadarama't tuluyang maibsan

Nadama ko na may kulang pa sa aking pagtayo

'Yun ay di ko maabot dahil sayong paglayo

Alam kong di mo na pakikinggan kahit na isigaw

Walang ibang kulang sa buhay ko mahal kung di ikaw

Bridge

Bakit kailangan humantong sa hiwalayan ng lahat

Ang nangyari sa relasyon natin hindi ko matangap

Hindi ako nagkamali at nag kulang sayo sinta

Ngunit anung isinukli iniwan mong nag iisa

Chorus

Bakit pa kailangan na masaktan ang puso kong ito sa iyong paglisan

Hapdi ang syang naramdaman

Hindi naba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan

Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam

Verse 3

Naghiwalay tayo na kapwa may samaan ng loob

At di man lang ako nakaangat sa aking pag lubog

Hanggang sa huling sandali di man lang nakapagpaalam

Katagang nais sabihin hindi ko man lang nabitawan

Na sana'y mag iingat ka sa lahat ng sandali

Di na ko muling hahabol at magbabakasakali

Na maibalik ang dati at makapiling sa t'wina

Ang isang katulad mo pagkat wala na ngang pag asa

At hindi talaga tayo

ang itinakda ng Diyos

Kaya ang pagsasama natin

ay maagang nagtapos

Bakit kailangan ko pang

masaktan sa iyong paglisan

'Di ko lubos maisip bat

ganito ang kapalaran

Bago magtapos ang awit

ko sana'y malaman mo

Na wala na akong ibang

inibig kundi ang katulad mo

Ngayong tapos na ang lahat

pati ang awiting kong ito

Salamat pagkat naging

bahagi ka ng buhay ko.

Chorus

Bakit pa kailangan na masaktan

Ang puso kong ito sa iyong paglisan

Hapdi ang syang naramdaman

Hindi naba maibabalik ang

lahat ng ating nakaraan

Dahil ba sa huli na ang lahat

sayo'y paalam.