menu-iconlogo
logo

PAGLISAN repablikan

logo
Letras
"PAGLISAN"

By: Repablikan

Ready?

Chorus

Bakit pa kailangan na

Masaktan ang puso kong ito

Sa iyong paglisan

Hapdi ang syang naramdaman

Hindi na ba maibabalik

Ang lahat ng ating nakaraan

Dahil ba sa huli na ang lahat

Sayo’y paalam

verse 1

Sa pagkawala ng relasyon

na aking iningatan

na ngayon ko lang naramdaman

at aking naranasan,ang umibig ng lubos

at ibigay ko ang lahat

tinatanong saking sarili

kung hindi pa ba sapat?

ang lahat ng ginawa ko

para lamang sa iyo

bakit kailangan mangyari

pa ang mga ganito

pilit na inaalala mga

bagay na nangyari

saking puso at sa isip

kalungkutan ang naghari

at naghiwalay tayo na di man lang

nakapag usap

hanggang sa huling sandali

wala ng pangungusap

na lumalabas sa labi mo

na gusto kung malaman

kung bakit nagkaganto

at bakit mo ko iniwanan

dahil ba sa sabi sabi

at mga bali balita

di mo na ko tinanong at

tuluyan kang naniwala

sinira mo ang tiwala at akoy tinalikuran

bakit kailangan kung

masaktan sa iyong paglisan

Bakit pa kailangan na

Masaktan ang puso kong ito

Sa iyong paglisan

Hapdi ang syang naramdaman

Hindi na ba maibabalik

Ang lahat ng ating nakaraan

Dahil ba sa huli na ang lahat

Sayo’y paalam

verse 2:

lumipas nga ang panahon

at mga sandaling wala ka

di na ko umasang babalik ka pa

pagkat wala na

ngang pag asa kahit na

akoy magsisi at lumuha

di na mabilang ang tubig

na ipinatak sa lupa

gustuhin ko man na ibalik

hindi na maari

pagkat sa puso mo ay

meron ng nag mamay ari

at alam ko na kayong dalawa

ay nagmamahalan

tiniis ko ang sakit

at di na kita pinigilan

ilang beses kung niloko

ang sarili kong ito

na kaya kung mabuhay kahit

na wala sa piling mo

ngunit hindi pa rin sapat

ang maging manhid na lang,

upang itago ang nadarama’t

tuluyang maibsan

nadama ko na may kulang

pa sa aking pagtayo

yun ay di ko maabot

dahil sayong paglayo

alam kung di mo na pakikinggan

kahit na isigaw

walang ibang kulang sa

buhay ko mahal kung di ikaw

Bakit kailangan humantong

Sa hiwalayan ng lahat

Ang nangyari sa relasyon

Natin hindi ko matanggap

Hindi ako nagkamali

At nag kulang sayo sinta

Ngunit anung isinukli

Iniwan mong nag iisa

verse 3:

naghiwalay tayo na kapwa

may samaan ng loob

at di man lang ako nakaangat

sa aking pag lubog

hanggang sa huling sandali di man lang

nakapagpaalam

katagang nais sabihin di ko

man lang nabitawan

na sana’y mag iingat

ka sa lahat ng sandali

di na ko muling hahabol

at magbabakasakali

na maibalik ang dati

at makapiling sa twina

ang isang katulad mo

pagkat wala na ngang pag asa

at hindi talaga tayo

ang itinakda ng diyos

kaya ang pagsasama natin

ay maagang nag tapos

bakit kailangan ko pang masaktan

sa iyong paglisan

di ko lubos maisip

ba't ganito ang kapalaran

bago magtapos ang awit ko

sana’y malaman mo

na wala na akong ibang inibig

kung di ang katulad mo

ngayong tapos na ang lahat

pati ang awiting kung to

salamat pagkat naging

bahagi ka ng buhay ko ..!

Bakit pa kailangan na

Masaktan ang puso kong ito

Sa iyong paglisan

Hapdi ang syang naramdaman

Hindi na ba maibabalik

Ang lahat ng ating nakaraan

Dahil ba sa huli na ang lahat

Sayo’y paalam

Bakit pa kailangan na

Masaktan ang puso kong ito

Sa iyong paglisan

Hapdi ang syang naramdaman

Hindi na ba maibabalik

Ang lahat ng ating nakaraan

Dahil ba sa huli na ang lahat

Sayo’y paalam

End

I hope you like it...

Thanks for playing!