menu-iconlogo
logo

LIHAM

logo
Letras
Ang Aking Mundo Ay Payapa

Sa ‘di Malamang Dahilan

At Noon Ay Buo Kong Inakala

Lahat Ay Ayos Na Naman

Nang Bigla Na Lang Ay Dumating Ang ‘di Hinantay

Nagbabalat Kayong Himala, Oh-oh

Mga Pasan Ay Gumaan

Ikaw Ang Tanging Dahilan

Sa’yo Lang Napuno Ng Kasiguraduhan

Narito Ako, Tapat Lang At Totoo

Pinapangako Sa Iyo, Oh

Ito Ang Aking Liham Sa Pag-ibig Ko

‘di Hahayaan Na Mag-isa Ka Sa Kahit Na Ano

Ikaw Lang Ang Himpilan Ng Aking Puso

Sa Piling Mo’y Panatag Ang Buong Pagkatao

Ligaya Ng Aking Mundo

Oh, Kay Rami Ng Mga Bagay

Na Hindi Natin Maintindihan

Sa Kabila Ng Lahat Ay Pilit Nating Binabalikan

Mga Panaginip Na Inaasam

Ako’y Binuo Ng Mabuti’t Masamang Karanasan

Puno Man Ng Mantsa’y Tinuring Karangyaan

At Gano’n-gano’n Na Lang

Pagmamahal Mo Ay Walang Anumang

Ang Pag-aabang Kaya Habang

Narito Ako, Magpapagal Para Sa Iyo

Handang Isuko Ang Buo, Oh

Ito Ang Aking Liham Sa Pag-ibig Ko

‘di Hahayaan Na Mag-isa Ka Sa Kahit Na Ano

Ikaw Lang Ang Himpilan Ng Aking Puso

Sa Piling Mo’y Panatag Ang Buong Pagkatao

Ligaya Ng Aking Mundo

Pa’no Kaya Kung Hindi Tayo Nagkita?

Ang Buhay Ko’y Matatawag Pa Nga Bang Buhay

Sa Layo Ng Bituin, Ang Tingnan Ito’y

Pagtingin Sa Nakaraang, ‘di Gunitang Tunay

Oh, Paumanhin, Wala Ka Man Sa Alaala

Ko’y Habang Buhay Kitang

Mamahalin

(Iginugom Ng Bituin)

(Ikaw Lang Ang Siyang Mamahalin)

Mamahalin, Yeah

(Ito Ang Aking Paumanhin)

(Habang Buhay Kang Mamahalin)

Ooh-oh, Oh-oh, Ooh, Oh-woah, Mamahalin

(Iginugom Ng Bituin)

(Ikaw Lang Ang Siyang Mamahalin)

Mamahalin, Yeah

(Ito Ang Aking Paumanhin)

Ito Ang Aking Liham Sa Pag-ibig Ko

‘di Hahayaan Na Mag-isa Ka Sa Kahit Na Ano

Liham Sa Pag-ibig Ko

Pinapangako Na Ang Bituin Ko Ay Para Lang Sa’yo

Ikaw Lang Ang Himpilan Ng Aking Puso

Maging Sa Hinaharap O Nakaraaan, Ikaw Lang At Ako

Oh, Aking Mundo, Oh-woah, Ooh, Yeah

Ligaya Ng Aking Mundo