Hindi nila naririnig
hinanaing sa barung-barong
Dahil palasyo nilay
may matibay na bubong
Hindi nila naririnig
mga kumakalam na tyan
di tulad ng mesa nilang
parang laging may handaan
Ikaw ba?
Naririnig mo ba sila
ikaw ba?
Gawin langit ang mundo
makakaya natin to
Sa simula ikaw at ako
tapos sila
Hanggang
maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan
sa bawat taong
Nagugutom at
nahihirapan
meron kang matutulungan
ohhh
gawing langit ang mundo
Wala silang pakiramdam
sa nangyayaring kaguluhan
Basta mabulsa lang nila
ang kaban ng ating bayan
Wala silang pakiramdam
magkaroon man ng digmaan
Kapangyarihan na nilang
gawin tayong tao-tauhan
Ikaw ba?
Nadarama mo ba ito
ikaw ba?
Gawin langit ang mundo
makakaya natin to
Sa simula ikaw at ako
tapos sila
Hanggang
maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan
sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan
meron kang matutulungan
ohhh
gawing langit ang mundo
Habang maaga pa
kahit man lang
Sa kapakanan ng iba
ng mga bata'ng
maglalakihan
makikinabang
sa ating maiiwanan
na pagmamahalan
Gawin langit ang mundo
makakaya natin to
Sa simula ikaw at ako
tapos sila
Hanggang
maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan
sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan
meron kang matutulungan
ohhh
Gawin langit ang mundo
makakaya natin to
Sa simula ikaw at ako
tapos sila
Hanggang
maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan
sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan
meron kang matutulungan
Gawin langit ang mundo
makakaya natin to
Sa simula ikaw at ako
tapos sila
Hanggang
maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan
sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan
meron kang matutulungan
gawing langit ang mundo