menu-iconlogo
logo

Samin

logo
Letras
Mula nu′ng una haggang dulo at sa kalagitnaan

Nang gera at digmaan na 'to′y magkabilaan ko na

Palaging tangan sa kaliwa't sa kanan

Ng mga pinanghahawakan ko na 'di mabitawan

At nagpatuloy sa pagsulat paglikha′t paggawa n′ya

Nang melodiya't ritmo ng rima′t mga bara

Sumikat, makilala, tinig maisa-plaka

Kahit na para bang hindi gano'n katingkad ang pag-asa

Sa tulad ko na tulad din ng ilang hikahos

Lumaking wasak ang pamilya, ′di pa nakapagtapos

Kulang sa kaalaman, sa salapi din ay kapos

Anumang mero'n at wala′y aking ng pinagpasa-Diyos

Sa likod ng mga sala ko't gawain na haram

Pagbigyan man o hindi ang mga dalangin kong asam

Dumiretso, lumiko, mapraning o tumino

Magtagumpay o mabigo, langit lang ang may alam

Kahit marami mang putik sa 'king talampakan

Alam kong babakas pa rin ang mga yapak ko sa ′king bawat daraanan

Malubak o madulas, may handa akong tumulay

Hanggang sa dulo ay ′di mapapahumpay

Ang gutom na taglay, hanggang mapasakamay

At maiuwi ko sa 'min ang tagumpay

Sa ′min ang tagumpay

Mauwi ko sa 'min ang tagumpay

Mauwi ko sa ′min ang tagumpay

Mauwi ko sa 'min ang tagumpay

(Ah)

Sinubukang maglakad-lakad ng mabawasan ang inip

Naging ′sang batang palaboy na kung sa'n-sa'n tumitira

Sa ilalim ng tulay sa Delpan, Pedicab o jeep

Sa sikip ng mundo sa plastic labo na lang huminga

Sa mura ko na gulang, natuto magkagulang

Nagkapangil, nagkasungay, buntot na lang ang kulang

Sa mundo na madupang, walang kapatawaran

Man ang maging kabayaran ng buhay ko na utang

Nang biglang sumindi, bumbilya n′yang punde

May boses na bumulong

Ang sabi "Di pa ′yan huli"

Ika'y ′di lang kabuti, kun'di lotus na halamang

Kayang mamukadkad, kahit sa tubig na marumi

Habang nakaharap sa salamin ng mag-isa

Inaral, kalasan ang maling sistemang nakabisa

Tila nagsikap pa din na ′wag mahambing sa kanila

Kahit sa 'min ay mahirap ang maging kakaiba

Dahil kahit marami mang putik sa ′king talampakan

Alam kong babakas pa rin ang mga yapak ko sa 'king bawat daraanan

Malubak o madulas, ma'y handa kong tumulay

Hanggang sa dulo ay ′di mapapahumpay

Ang gutom na taglay, hanggang mapasakamay

At maiuwi ko sa ′min ang tagumpay

Sa 'min ang tagumpay

Mauwi ko sa ′min ang tagumpay

Mauwi ko sa 'min ang tagumpay

Mauwi ko sa ′min ang tagumpay

Ah

Handang mamatay at pumatay, para magtagumpay

Pusong do-do-do or die

Handang mamatay at pumatay, para magtagumpay

Pusong do-do-do or die

Handang mamatay at pumatay, para magtagumpay

Pusong do-do-do or die

Ako'y parang estudyanteng hara-haragan

Nangarap magsumakumlaude sa kalakaran

Ng mga turo at diskarte para-paraan

Karanasan ang guro′t kalye ang paaralan

Sinumpa't pinangako kahit na malabo

'Yung nando′n sa malayo′y mararating ko din

Liwanag may maglaho at araw ay magtagos

Mas kikinang pa lalo na parang bituin

Kahit ga'no man kadilim ang buhay

Na para kang unti-unting nalilibang sa hukay

Magniningning sa kulay, pagkatapos makabangon

Ang natapos na kahapon ang magsisilbing patunay

Taya′y pati pato kahit ano man

Ang pwede't posibleng maging hantungan

Naisangag ko na ang kaning bahaw

Bago pa mapanis sa ′king baunan

Mga nag-abon nu'ng ako ay taglugi

Kasama ko ′pag nagbunyi, pasasalamat ang sukli

No'ng ako'y ′di pa tuli, wala pang ngipin at bungi

Mga nanghamak ay parang makahiyang napatupi

Naglakbay bunga ng pag-ibig, galit o muhi

Kasama ang pangakong kahit sa pula man o puti

O kahit sa′n makarating, 'pag nagtagpo tayong muli

Sa pagbalik, tagumpay na ang pasalubong pauwi (uh)

Ah

Sa pagbalik, tagumpay na ang pasalubong pauwi (uh)

Ah

Sa pagbalik, tagumpay na ang pasalubong pauwi (uh)

Samin de Smugglaz - Letras y Covers