menu-iconlogo
logo

Sa Aking Panaginip

logo
avatar
Still Onelogo
.🕊𝙱𝚂𝙵🕊ιȤυɱι⏤͟͟͞͞𝄞logo
Canta en la App
Letras
Di matangap na wala ka na

Sa panaginip ko’y palagi kang nandun

At tayo’y magkasama

Binabalikan ang mga nagdaan sa atin

Dahil di ako sana’y ng wala ka

Magkahawak kamay naglalakad sa tabing dagat

Tirik man ang araw parang langit pag nakayakap

Ako sa iyo tapos nakahawal ka sa king braso

Nangangarap habang nakatingin tayo sa malayo

Ang dami kong hiling ang dami kong gustong gawin

Mga bagay upang pag-ibig ko’y lalo mong damdamin

Gusto ko yung ganito yung hawak ko ang yong kamay

Magka-akbay parang wala na yatang papantay

Sa pintig na kakaiba na hatid mo sa akin

Ako’y ganado pag ikaw ang kasabay kong kumain

Ang yong halik na ang dulot ay ngiti na abot tenga

Kaligayahan na di kayang mabibili ng pera

Di ko kayang isipin ang buhay ng di ka kasama

Naiisip ko pa lang ako’y parang maluluha na

Katabi kita pero ba’t ganto ang pakiramdam

Nalulungkot pa rin ako at labis na nasasaktan

Di matangap na wala ka na

Sa panaginip ko’y palagi kang nandun

At tayo’y magkasama

Binabalikan ang mga nagdaan sa atin

Dahil di ako sana’y ng wala ka

Ating kamay ay pinag-isa at ikinorteng puso

Tanda ng pag-iibigan nating hindi susuko

Sa kahit anong hamon sa ating pagsasamahan

Tumanda man tayo hinding hindi magkakasawaan

Gusto ko yung ikaw ay lagi kong sinusurpresa

Walang imposible pag dating sayo aking prinsesa

Dito tayo sa gitna ng hugis pusong kandila

Magpapaka romantiko ‘ko upang mapangiti ka

Mga litrato natin itatali sa mga lobo

Kakantahan kita kahit medyo wala sa tono

Maipadama ko lang kahit sa simpleng paraan

Kung paano kita mahalin at pahalagahan

Sinusumpa ko sa harapan ni ama

Na sa lahat ng sandali at oras ay iingatan ka

Pero bakit ganito ang bigat ng pakiramdam

Nalulungkot ako parang may problemang dinadamdam

Di matangap na wala ka na

Sa panaginip ko’y palagi kang nandun

At tayo’y magkasama

Binabalikan ang mga nagdaan sa atin

Dahil di ako sana’y ng wala ka

At biglang buhos ng ulan ang tulog ko ay naudlot

Panaginip lang pala sa tabi ng iyong puntod

Mata ko’y ipinikit pinilit muling matulog

Di alintana ang patak ng luha na nahuhulog

Sa aking mata kahit basang-basa na ng ulan

Hindi ko kase alam kung paano ko sisimulan

Ang buhay ng di ka kasama sinanay mo kasi ko

Na laging masaya at ang araw ko ay kumpleto

Wala na akong kasabay mag-sipilyo

Wala ng makulit na laging uupo dito sa binti ko

Wala na akong ka-subuan kapag kumain

Sa tuwing a-trese wala na kong susurpresahin

Wala na akong bibigyan ng bulaklak

At yayakapin sa harapan ng mga taong pumapalakpak

Wala na ang babaeng habang buhay kong mamahalin

Lahat ng yan ay tanging sayo ko lamang kayang gawin

Di matangap na wala ka na

Sa panaginip ko’y palagi kang nandun

At tayo’y magkasama

Binabalikan ang mga nagdaan sa atin

Dahil di ako sana’y ng wala ka

Di matangap na wala ka na

Sa panaginip ko’y palagi kang nandun

At tayo’y magkasama

Binabalikan ang mga nagdaan sa atin

Dahil di ako sana’y ng wala ka