Noong tinanggap mo ang aking pag ibig
Parang akin na ang buong daigdig
Ibinalita ko saking mga kaibigan
Ngunit nagalit ka ng iyong malaman
Ano ba talaga mahal mo ba ako
Bakit relasyon natin itatago
Ang nais ko sana'y malaman ng lahat
Na tayong dalawa'y nag mamahalan
Bakit galit ka pag dinadalaw kita
Mas gusto mong sa labas tayo mag kita
Kapag kasama ka lagi kang balisa
At para bang may kinakatakutan ka
At hindi nag tagal
Akin ding nalaman
Ikaw pala'y mayrong ibang minamahal
Aking nabalitaan
Anak siya ng mayaman
At malapit na raw kayong ikasal
Ano ba talaga mahal mo ba ako
Bakit relasyon natin itatago
Ang nais ko sana'y malaman ng lahat
Na tayong dalawa'y nag mamahalan
Bakit galit ka pag dinadalaw kita
Mas gusto mong sa labas tayo mag kita
Kapag kasama ka lagi kang balisa
At para bang may kinakatakutan ka
Bakit galit ka pag dinadalaw kita
Mas gusto mong sa labas tayo mag kita
Kapag kasama ka lagi kang balisa
At para bang may kinakatakutan ka
At hindi nag tagal
Akin ding nalaman
Ikaw pala'y mayrong ibang minamahal