Nakaupo siya sa isang madilim ng sulok
Ewan ko ba kung bakit sa libo libong babaeng nandoon
Wala pang isang minuto nahulog na ang loob ko sa ‘yo
Gusto ko sanang marinig ang tinig mo
Umasa na rin na sana’y mahawakan ko ang palad mo
Gusto ko sanang lumapit kung ‘di lang sa lalaking kayakap mo
Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo sa hardin ng ‘yong kaharian
Wala man akong pag-aari pangako kong habang buhay kitang
Pagsisilbihan O aking prinsesa ahhhh
Prinsesa, prinsesa, prinsesa
Di ako makatulog naisip ko ang ningning ng ‘yong mata
Nasa isip kita buong umaga buong magdamag
Sana’y parati kang tanaw O ang sakit isiping
Ito’y isang panaginip panaginip lang
Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo sa hardin ng ‘yong kaharian
Wala man akong pag-aari pangako kong habang buhay kitang
Pagsisilbihan O aking prinsesa ahhh...
Prinsesa, prinsesa, prinsesa
Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo sa hardin ng ‘yong kaharian
Wala man akong pag-aari pangako kong habang buhay kitang
Pagsisilbihan O aking prinsesa ahhh...
Prinsesa, prinsesa, prinsesa
Prinsesa, prinsesa, prinsesa.