Ito kaya ang kapalaran
Na itinakda sa aking buhay
Bakit bawat hakbang ko ay
May luhang nakalaan
Ako'y bigo sa aking pag ibig
Dahil ako'y mahirap lamang
Kahit ako'y mahirap lamang
Puso ko ay tapat umibig
Bakit kaya!
O kay lupit!
Ng tadhana!
Sa aking buhay!
Bakit ako'y!
pinabayaan!
Sa aking kinalagyan...
Kailan kaya mapapawi
Dilim nitong aking landas
Kailan ko pa masisilayan
Ang tanglaw sa aking buhay
Ito kaya ang kapalaran
Na itinakda sa aking buhay
Bakit bawat hakbang ko ay
May luhang nakalaan?
Ako'y bigo sa aking pag ibig
Dahil ako'y mahirap lamang
Kahit ako'y mahirap lamang
Puso ko ay tapat umibig
Bakit kaya!
O kay lupit!
Ng tadhana!
sa aking buhay!
Bakit ako'y!
pinabayaan!
Sa aking kinalagyan...
Kailan kaya mapapawi
Dilim nitong aking landas
Kailan ko pa masisilayan
Ang tanglaw sa aking buhay?