menu-iconlogo
logo

Kung Sana Lang

logo
avatar
Yayoilogo
LC🐜FAGML🥀🌾SOPlogo
Canta en la App
Letras
'Pag sinaktan ka niya, sa 'kin ka pumupunta

'Pag iniwan ka, ako nandito lang, 'di ba?

Iniisip ko na sana ako siya

Sawa na ako, ayoko na

Na maging takbuhan mo 'pag may problema ka

At nakikisalo lamang sa inyong dalawa

Pero 'di mo mabigyan ng halaga

Sawa na ako, ayoko na (this is 420 Records exclusive)

Araw-araw nasasayang lamang pagmamahal mo sa kanya

Bakit 'di mo ba makitang parang ikaw na lang, sinta

Ang lumalaban para magtagal pa kayong dalawa?

Lahat tinitiis mo kahit na nasasakatan ka na

Bakit hindi mo ba makitang heto lang ako?

Handang gawin lahat, basta ikakasaya mo

Hindi katulad niya, 'di ka mabigyan ng konting halaga

Ngunit bakit 'di mo pa rin magawa na iwan siya?

Kung ako na lang sana ang nauna

Nauna mong nakilala

'Di na sana lumuha ang mata mo dahil sa kanya

Lungkot ng kahapon mo, sana ay kalimutan na

Pakinggan mo naman at pagbigyan

Dahil 'di ko na kaya na masdan

Na nahihirapan ka

Nandito naman ako, oh-oh-oh-oh

'Pag sinaktan ka niya sa 'kin ka pumupunta

'Pag iniwan ka, ako nandito lang 'di ba?

Wala akong magawa kahit parang ayoko na

Nagtitiis maging pangalawa

At maging takbuhan mo 'pag may problema ka

At patuloy umaasang baka mapuna mo

Na mahal kita kahit mahal mo ay iba

Kung sana lang ako ang nauna

Pinipilit ko nang pigilan

Pinipilit ko nang iwasan

Na mahulog pa sa 'di naman kayang suklian

Pagmamahal ko na naunahan

Ng taong minsan ding nangakong 'di ka sasaktan

At paluhain ka, ngayon, siya na ang dahilan

Umaasa ka sa walang kasiguraduhan

Imulat ang mata, may isang tao pa na nandiyan

Na handa kang saluhin sa tuwing binibitawan niya

At handa kang mahalin

At ipakita na higit pa siya, iingatan ka

'Di ka sasaktan, 'di katulad niya

Pakinggan mo naman at pagbigyan

Dahil 'di ko na kaya na masdan

Na nahihirapan ka

Nandito naman ako, oh-oh-oh-oh

'Pag sinaktan ka niya sa 'kin ka pumupunta

'Pag iniwan ka, ako nandito lang 'di ba?

Wala akong magawa kahit parang ayoko na

Nagtitiis maging pangalawa

At maging takbuhan mo 'pag may problema ka

At patuloy umaasang baka mapuna mo

Na mahal kita kahit mahal mo ay iba

Kung sana lang ako ang nauna

Sana maisip-isip mo

Na pilit ko na pinipilit-pilit 'tong

Aking nadarama kahit hindi mo madama

Na pinapadama ko ang lahat ng kaya ko

Patuloy na naghihintay sa 'di alam kung darating

Patuloy umaasa kahit na ako pa ay maging

Pangalawa lamang at kaibigan lang

Matuturing ang isang kagaya ko

Kahit mahirap ang tatahakin

Kakayanin ko, 'di ako susuko sa 'yo

'Pag sinaktan ka niya sa 'kin ka pumupunta

'Pag iniwan ka, ako nandito lang 'di ba?

Wala akong magawa kahit parang ayoko na

Nagtitiis maging pangalawa

At maging takbuhan mo 'pag may problema ka

At patuloy umaasang baka mapuna mo

Na mahal kita kahit mahal mo ay iba

Kung sana lang ako ang nauna

'Pag sinaktan ka niya sa 'kin ka pumupunta

'Pag iniwan ka, ako nandito lang 'di ba?

Wala akong magawa kahit parang ayoko na

Nagtitiis maging pangalawa

At maging takbuhan mo 'pag may problema ka

At patuloy umaasang baka mapuna mo

Na mahal kita kahit mahal mo ay iba

Kung sana lang ako ang nauna