Kahit na ikaw pa ay lumisan
Halik mo 'di ko
Na malilimutan
Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusa'y ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa 'king buhay
Kahit na ikaw pa ay lumimot
Mundo ko'y
Tutuloy sa pag ikot
Ang bituin, akala mo'y naglalaho
Yun pala sa ulap lang nakatago
Katulad ng pag ibig mong mapaglaro
Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak
Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping 'di magwawakas
Di kita pipigilin kailan man magbago ng isipan
Habang kapiling ka, ligaya'y walang hanggan
Lalo na't ikaw pa lang ang minahal
Sa simula't katapusa'y ikaw lamang
Ang nagbigay kahulugan sa 'king buhay
'di ba sa simula sinabi
Mong walang matitiyak
Kaya't ligaya habang kapiling
Mo'y isiping 'di magwawakas
'di kita pipigilin kailan
Man magbago ng isipan
Habang kapiling ka,
Ligaya'y walang hanggan