Aking ama
Salamat sa pag-ibig na alay mo sa akin
Kahit na ako’y nagkulang at nagkasala sa ‘yo
Ako’y pinatawad mo
Kahapong maulap ngayo’y nagliwanag
Unos ng buhay ay pinawi mong lahat
Dati-rati ang mundo ko ay
Madilim at may alinlangan
Unti-unting napuno ng kulay
Binigyan ng sagot ang lahat ng mga tanong
Sa puso’t isip ko
Nang ikaw ay nakilala panginoon
Binago mo ako
Kung dati’y hapdi ngayo’y may ngiti
Lahat ng mahirap naging madali
Pagka’t ikaw ang s’yang bumuhat sa‘king mga pasanin
Kahapong maulap ngayo’y nagliwanag
Bigat ng puso ay iyong pinagaan
Dati-rati ang mundo ko ay
Madilim at may alinlangan
Unti-unting napuno ng kulay
Binigyan ng sagot ang lahat ng mga tanong
Sa puso’t isip ko
Nang ikaw ay nakilala panginoon
Binago mo ako
Dati-rati ang mundo ko ay
Madilim at may alinlangan
Unti-unting napuno ng kulay
Binigyan ng sagot ang lahat ng mga tanong
Sa puso’t isip ko
Nang ikaw ay nakilala panginoon
Binago mo ako
Binago mo ako
Ako’y binago mo