Pag- ibig mo'y tunay na wagas
Nagbuhat pa sa iyong puso
Damdamin mo ay winalang halaga
Nang aking pusong mapaglaro
Lagi na lamang bang may luha
Sa bawat tampuhan natin sinta
Labis pala ang pagdurusa mo
Hindi ko man lang napansin
Ngayon ko lamang natanto
Ang kasalanan ko sayo
Magagawa mo pa kayang mahalin akong muli
Ayoko ng makita kang lumuha giliw ko
Pangako sa iyo ako'y magbabago
Ako na may nagsisi na patawarin mo sana
Sabihin mong ako'y mahal mo pa
Narito na ang aking pag- ibig
Inaalay ko sayong muli
Pahiran na ang mga luha mo
Pumatak dahil sa akin
Pakinggan mong pagsamo ko
Muli akong nagbabalik
O giliw ko hayaan mong
Mahalin kitang muli
Ayoko nang makita kang lumuha giliw ko
Pangako sa iyo ako'y magbabago
Ako na may nagsisi na patawarin mo sana
Sabihin mong ako'y mahal mo pa
Ayoko nang makita kang lumuha giliw ko
Pangako sa iyo ako'y magbabago
Ako na may nagsisi na patawarin mo sana
Sabihin mong ako'y mahal mo pa
Ayoko nang makita kang lumuha giliw ko
Pangako sa iyo ako'y magbabago
Ako na may nagsisi na patawarin mo sana
Sabihin mong ako'y mahal mo pa