menu-iconlogo
huatong
huatong
Paroles
Enregistrements
Sa mahinahong paalam ng araw

Sa pag ihip ng hanging kahapunan

Balabal ko'y init ng 'yong pag ibig

Sa dapit hapong kay lamig

Mga bituin kay agang magsigising

Umaandap mapaglaro man din

Iyong ngiti hatid nila sa akin

Sa diwa ko't panalangin

Puso ko'y pahimlayin inay

Upang yaring hamog ng gabing tiwasay

Ay madama ko bilang damping

Halik ng 'yong anak

Ay irog kong inay

Sa palad mo itago aking palad

Aking bakas sa inyong bakas ilapat

At iuwi sa tahanan kong dapat

Sa piling ng inyong anak

Puso ko'y pahimlayin inay

Upang yaring hamog ng gabing tiwasay

Ay madama ko bilang damping

Halik ng 'yong anak

Ay irog kong inay

Puso ko'y pahimlayin inay

Upang yaring hamog ng gabing tiwasay

Ay madama ko bilang damping

Halik ng 'yong anak

Ay irog ko

O ina kong mahal

Ay irog kong inay

Davantage de Bukas Palad/RB Hizon SJ

Voir toutlogo

Vous Pourriez Aimer