Mga mata mo'y nakakaakit
Ng 'di sinasadya
Ngiti mo'y nagbibigay sigla
Ng 'di mo alam
Maamo mong mukha pag nakikita
Ako ay natutulala
Di ko alam ano'ng gagawin
Kaya pasens'ya na
Kung may pagtingin ako sa iyo
Di mapigilan bulong ng damdamin
Isisigaw ko para mapansin mo
Pansinin mo naman ako
Galaw mo'y aking sinususundan
Wag ka sanang mawala
Nang ikaw ay lumapit
Pinagpapawisan sa sobrang kaba
Pilit kang mahawakan
Pero 'di ko kaya
Sa iyo'y nahihiya
Di ko alam ano'ng sasabihin
Kaya pasens'ya na
Kung may pagtingin na ako sa iyo...
'Di mapigilan bulong ng damdamin
Isisigaw ko para mapansin mo
Pansinin mo naman ako
Kaya pasensya na
Kung may pagtingin na ako sa iyo
'Di mapigilan bulong ng damdamin
Isisigaw ko para mapansin mo
Kaya pasens'ya na
Kung may pagtingin na ako sa iyo..
'Di mapigilan bulong ng damdamin
Isisigaw ko para mapansin mo
Pansinin mo naman ako