Umiibig ako sa isang
nilalalang na wala ng kalayaan
Sa batas ng tao at sa batas ng
diyos di ko siya maaaring angkinin
Kapwa taos sa puso ang aming pagsuyo
Di namin sinadya kami'y magkatagpo
Sumibol sa dibdib bawal na pagibig
Na maituturing kong tangging ligaya ko
Umiibig ako sa isang
taong wala ng kalayaan
Bakit nangyari pang kami'y
pinagtagpo nang ating maykapal
Umiibig ako unang
pagibig ko bakit siya pa
O diyos ko, sadya bang ganito ang
umibig ng tapat luha ang dulot nito
Kahapon, Kagabi kami ay nagkita
upang wakasan ang lahat
Kapwa lumuluha kay hapdi ng sugat
ngunit wala kaming magagawa
Paano kung lilimutin suyuang kay
lambing na sakanya ko lang natagpuan
Hahanap-hanapin ko halik nyang kay
tamis at mga yakap na anong higpit
Umiibig ako sa isang
taong wala ng kalayaan
Bakit nangyari pang kami'y
pinagtagpo nang ating maykapal
Umiibig ako unang
pagibig ko bakit siya pa
O diyos ko, sadya bang ganito ang
umibig ng tapat luha ang dulot nito...