menu-iconlogo
huatong
huatong
fer-sigarilyo-cover-image

Sigarilyo

Ferhuatong
oasiscarectrhuatong
Paroles
Enregistrements
Sigarilyo sa bibig, aking sisindihan

Baka sakaling ikaw ay malimutan

Ayos ka pa ba? (Ayos ka pa ba?) Ako, okay naman

Kaso biglang naiyak sa daan

Manatili sandali, aking pagmamasdan

Ang mga pagkukulang kong 'di naman napunan ('di naman napunan)

Binubulong sa hangin

Ang bigat ng aking panalangin

Na babalik ka rin, hmm

Pilitin natin maging masaya, hmm

Alam kong kakayanin pa

Kakayanin pa

Balkonaheng madumi, aking sampayan

Ng mga pagtatalo at ating sigawan (ating sigawan)

Tuyong mga damit, aking itutupi

Parang damdaming nahiya't kinubli

Binubulong sa hangin

Ang bigat ng aking panalangin

Na babalik ka rin, hmm

Pilitin natin maging masaya, hmm

Alam kong kakayanin pa

Kakayanin pa

Hindi ba totoo

Ang lahat ng aking narinig tungkol sa 'yo?

Bakit nagkaganito?

'Kala ko'y may pag-asa pa, ubos na tayo (ubos na tayo)

Binubulong sa hangin (sa hangin)

Ang tangi kong panalangin

Babalik na rin

Ang apoy sa iyong saya, oh

Kahit may kapiling kang iba

Alam kong iingatan ka

Ikaw pa rin (ikaw pa rin, ikaw pa rin)

Ikaw pa rin (ikaw pa rin, ikaw pa rin)

Sigarilyo sa bibig, itatapon na lang

Bakas sa pusong 'di malilimutan

Davantage de Fer

Voir toutlogo

Vous Pourriez Aimer