Sabi ko Ama
Baka pwede na matulungan mo 'ko
Sa ano pinagkaiba ng hudas
Sino ba ang anghel at demonyo
Kapag tayo ay nag-usap
Sigurado ka namang intindi mo 'ko
Mga puso na busilak
Sinamantala ng mga walang modo
Laging iniisip palabas
Ang nasalihan nasa cast 'di man yung bida
Ngayon katabi mga artista
Umiiwas magkalat
'Cause they only like you sa plastikan
Ang mga mukha
Dati sa pakete na na shampoo nakikita (walang kita)
Kung hindi ngayon kelan pa tanong ng kaibigan kong matalik
Mas maigi na sumubok baka bukas may ibang mangyari
At naganap na nga 'di makapaniwala sa aking nakita
'Di malimutan 'gang ngayon
Sariwa pa rin para sa 'kin (yeah, yeah, yeah)
Ganu'n pala ang lasa na matagal ko nang hanap
Pero meron pa ring hanap
Sa tingin ko merong kulang, merong kulang
At gan'to pala kapag napasa 'yo mga 'di mo kailangan
At kaya kung hindi ngayon
Kelan pa tanong ng kaibigan kong matalik
Isipin kung tama pa ba kinakapitang tali
Mahalin ka 'yun ba talaga ang nais
'Di na kasi magawa mga nabigay dati
Dati sabik matikman ang mga labi mo
Kahit hapdi at kirot mga sinapit ko
Handang harapin kahit ano
Hinanakit nalimutang halaga ng yakap ko
Ito ba talaga ang hanap ko
Oh nagkamali na 'ko sa'n pa 'ko lulugar
'Yan ang sabi ng demonyo sa isipan na 'di ko pinakinggan
Natawa pa sa pinagpilian
Kaibigan handang talikuran para sa pangarap
Handang kalimutan alaalang 'di malilimutan
'Di na matauhan
Bahay na batong punong-puno ng kwagong
Nakipaglaro sa asong handang magpakitang tao
Para sa inaasam, para sa'n ba 'yan
Oh kanino ang ginagawa mo
Kung sa sarili lang nakangiti ka diyan
Ang kaso lang hindi mo na mapapaikot sa
Dami ko nang naikutan, dami nang napuntahan
Kung ano ang dami ng nalimutan
'Yun ang dami ng natuklasan
At nang isang beses naiputan wala na 'kong maramdaman
Kung ang dati gusto lang makatikim
Ngayon parang 'di na nasasarapan
Sa mga ngiti mo na 'di totoo sino ang niloko mo
Unti-unti mo 'kong winawasak
Habang unti-unti kitang binubuo
Sinamantala, kilala na sinungaling mong mga mata
Sa tingin ko 'di pa talaga kita kilala
Sino ka ba talaga
Dati sabik matikman ang mga labi mo
Kahit hapdi at kirot mga sinapit ko
Handang harapin kahit ano
Hinanakit nalimutang halaga ng yakap ko
Ito ba talaga ang hanap ko