Bakit...
Hinahanap ka...
Bakit…
Tinatawag ang iyong pangalan
Hinahanap ka...
Bakit…
Tinatawag ang iyong pangalan
Nang una kitang makita
Sa may Ermita
Hindi ko na namalayan kung bakit
Na para bang ako'y naakit
Nang ika'y lumapit
Tinanong ko ang iyong pangalan at ang…
'Yong telepono
Pero sabi mo
Di mo kinakausap ang mga katulad kong…
Walang pera
Walang kotse't
Di doble doble ang cell
Pero teka muna Miss
Wag kang mabilis lumakad
Di naman ako manyakis
At walang labis
Walang kulang ang sinukli ko sa 'yo
Balot…
Eto pa sige, dalhin mo na lang sa inyo
Kahit na wala akong kitain
Walang makain
Basta't alam mo lang kung gaano
Kahalaga sa akin
Ang ikaw ay mapaglingkuran
At mapagsilbihan
Ipagpatawad mo sana
Ako man ay naguguluhan
Bakit...
Hinahanap ka...
Bakit…
Tinatawag ang iyong pangalan
Hinahanap ka...
Bakit…
Tinatawag ang iyong pangalan
Sa loob ng aking kuwarto
Sa loob ng banyo
Kung alam mo lang ang
dami ng mga litrato
Kinunan ko sa may kanto
At pinakuwadro ko pa
Nang sa gaoon ay
Lagi tayong magkasama
Araw man o gabi
Kahit sandali
Sa hirap man o ginhawa
Ikaw at ako magpakailanman
Na para bang mga palabas sa sine
Alam mo na para bang imposible
Pero pwede ka bang mailibre
Sa kanto, ng lugaw
Palamig, siomai o siopao
Baka pwede wag kang masyadong matakaw
Sige na nga pero pwede bang dumalaw...
Pagmamahal ko
Sana ay tanggapin mo
Pero kung itataboy mo
Ay ikamamatay
Ikamamatay ko
Bakit...
Hinahanap ka...
Bakit…
Tinatawag ang iyong pangalan
Siguro naman ngayon alam mo na
Kung gaano kawagas ang aking pag ibig
Simula sa laman hanggang sa litid
Kailaliman ay sinisisid
Pero bakit
Ginamit
Puro luha at pasakit
Makalipas ang mahabang panahon
Ang aking pagmamahal
Ay napalitan ng galit
Nang nakita kita
Na may kasamang iba
May dala dala pa naman akong regalo
Matagal kong pinag ipunan
Kinuha ko sa alkansya
Naglalakad habang lumuluha
Tinititigan ang lupa
Sinungaling ang mga baraha nang tinanong
Hindi naman natupad
Ang kanilang mga hula
Wala nang dahilan para mabuhay
Naging abo, wala nang kulay
Akala ko nung una, tayo nang dalawa
Ilang taon din naman kong naghintay
Paalam na aking mahal
Ako ay di na magtatagal
At tangi ang iyong pagbalik
Ang siyang aking ipagdarasal
Ipagdarasal…
Ipagdarasal…
Ipagdarasal…
Bakit...
Hinahanap ka...
Bakit…
Tinatawag ang iyong pangalan
Hinahanap ka...
Bakit…
Tinatawag ang iyong pangalan
Hinahanap ka...
Bakit…
Tinatawag ang iyong pangalan…