PROBLEMANG PUSO 
Ang minsan nating pagkikita 
Muli't muling naaalala 
Mga ngiti mo na tumutunaw sa puso ko 
Ba't ganito ang aking nadarama? 
Tinangka kong ika'y hanapin 
Upang muli ay kausapin 
At nang masabi ang damdamin ko para sa 'yo 
Ngunit hanggang ngayo'y bigo ako 
Ay, naku, puso'y nalilito 
Minsan ka lang nakita ay umibig na sa 'yo 
Ay, naku, kung naririnig mo 
Problemang puso ko'y tulungan mo 
Nagulat minsan ang puso ko 
Dahil yakap mo at hinahagkan ako 
Hinagkan din kita't niyakap nang buong higpit 
Ngunit ito pala'y panaginip 
Ay, naku, puso'y nalilito 
Minsan ka lang nakita ay umibig na sa 'yo 
Ay, naku, kung naririnig mo 
Problemang puso ko'y tulungan mo 
Ay, naku, puso'y nalilito 
Minsan ka lang nakita ay umibig na sa 'yo 
Ay, naku, kung naririnig mo 
Problemang puso ko'y tulungan mo 
Ay, naku, puso'y nalilito 
Minsan ka lang nakita ay umibig na sa 'yo 
Ay, naku, kung naririnig mo 
Problemang puso ko'y tulungan mo