menu-iconlogo
huatong
huatong
johnpapi-diwata-mayora-cover-image

Diwata (Mayora)

JOHNPAPIhuatong
Téléchargé par ▶₪°ᴊᴏʜɴ_ᴘᴀᴘɪ
Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo

Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso

Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking Mayora (uh, uh-uh, uh-uh)

(Aking mayora) ikaw ang pinakamaganda

'Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata

(Aking mayora) tamang hinala, 'di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang mahiwaga) walang katapat

Bagamat pinagbawalan, ipaglalaban ka

Sapagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh

Aking Mayora (uh-uh, uh-uh, uh)

Naaalala ko pa no'ng una kang masilayan, nanghihinayang

Gustong-gusto kita kausapin, makilala

Subalit may kaba, kaya nahihiya lang

Sinayang ang nakatakdang tadhana

Karapat-dapat nga ba na magkandarapa

Sa isang prinsesa na may delikadesa?

Kaysa sa gano'n, baka sakaling game ka maging reyna?

Date tayo, oo, ikaw at ako

Liparin natin ang iba't ibang parte ng mundo

Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay

Kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay

Kung sa bagay, karangalan kong alagaan

At pahalagahan ang natural mong kagandahan

Aminin ko man o hindi, kapag nasa paligid, eh

Pasimple na ngumingiti, sana 'ka ko tamaan

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo, whoa

Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso, whoa

Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking Mayora (uh, uh-uh, uh-uh)

(Aking mayora) ikaw ang pinakamaganda

'Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata

(Aking mayora) tamang hinala, 'di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang mahiwaga) walang katapat

Bagamat pinagbawalan, ipaglalaban ka

Sapagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh

Aking Mayora (uh-uh, uh-uh, uh)

Hangga't sa nagkakilala muli

At unti-unti kang nakikilala

Muntik pang tumiklop na parang makahiya, uh

Naglakas-loob, andiyan sa kaliwa

Ang daming pumipila, daig pa'ng MRT

Pero 'di ba't sa pag-ibig, mas kabit 'pag less than three?

Ano'ng sagot? Pwede mo 'kong tanungin

May tanong ako sa 'yo, pwede mo 'kong sagutin?

Sana "oo" na lang din, susubukang abutin

Panaginip lang kita kaya gusto kong antukin

Oras na maghawak-kamay baka bigla kang alukin

Walang hiling na kapalit, gusto lang kitang mahalin, uh

Ikaw ang aking laging nais makapiling

Hindi Maria Clara kundi Maria Makiling

Binibining napakaganda at wagas, walang wakas

Samahan mo 'ko, sabay tayong mangarap nang mataas

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo

Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso

Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking Mayora

No'ng nakita ko siya

'Di makapaniwala

Sa taglay niyang ganda, tinamaan din ako

Teka, bakit ganito? Ba't napapa-rap ako?

'Di ba, sabi ko sa 'yo, 'wag mo na akong isama?

Para 'kong nasilaw sa kasama mong mayora

Ngayon, alam ko na ba't nasiraan ka ng ulo

Napapakanta ka na lang na parang ganito

Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo, whoa

Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso, whoa

Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila

'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking Mayora (uh, uh-uh, uh-uh)

(Aking mayora) ikaw ang pinakamaganda

'Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata

(Aking mayora) tamang hinala, 'di makapaniwala

Na nakita na ang pinakamakinang na tala

(Talagang mahiwaga) walang katapat

Bagamat pinagbawalan, ipaglalaban ka

Sapagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh

Aking Mayora (uh-uh, uh-uh, uh)

Vous Pourriez Aimer

Voir pluslogo

Playlists Associées

Voir pluslogo