menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Bipolar

M ZHAYThuatong
roberts4624huatong
Paroles
Enregistrements
'Di ko alam kung bakit ba napakahilig mo

Akong awayin kahit na nananahimik na

At bakit ba ako palaging nakikita mo?

Ang nakikita mo

Ang nakikita mo

'Di ko alam kung bakit ba napakahilig mo

Akong awayin kahit na nananahimik na

At bakit ba ako palaging nakikita mo?

Ang nakikita mo

Ang nakikita mo

Iba na naman ang tinginan

Ano ba ang dahilan, pwede bang malaman

Teka lang, kalma ka lang, hindi ako lalaban

Wala naman akong kasalanan

Samantalang napakasaya mo kanina

Bakit ba ngayon ay walang pansinan?

Ako ay naguguluhan

Bakit ka ganyan para kang sina-sapian?

'Di makatagal sa mga titig mo

Ginawa ko naman ang mga binilin mo

'Di ko mahulaan ang laman ng isip mo

Ano ba talaga 'yan? Pwes sabihin mo

Pwede natin pag-usapan 'yan

Baka kulang lang sa pagkain 'yan

Pero minamahal kita

Kahit 'di kita maunawaan

Basta minamahal kita

Kahit na walang kapayapaan

Mahal mo rin ako 'di ba?

Kaso nga lang, kadalasan

Pinag-aawayan natin ay mga bagay

Na wala namang kadahilanan

'Di ko alam kung bakit ba napakahilig mo

Akong awayin kahit na nananahimik na

At bakit ba ako palaging nakikita mo?

Ang nakikita mo

Ang nakikita mo

'Di ko alam kung bakit ba napakahilig mo

Akong awayin kahit na nananahimik na

At bakit ba ako palaging nakikita mo?

Ang nakikita mo

Ang nakikita mo

Teka, teka, teka, pwede bang ako naman

Ang magbigay ng kapaliwanagan?

Bago mo ko paratangan

Ay hayaan mo muna na patunayan

Ko sa 'yo na 'di totoo ang mga 'yan

Napakatagal na nating dalawa na magkasama

Bakit ba ngayon tila lumalala pa?

Nasan ang tiwala mo, nawawala ba?

O baka naman talaga na lumala ka?

Malamang sa malamang ay galit ka na naman

Kahit hindi ko kasalanan ay aking kagagawan

Ako'y kalma lang para 'di na mapahaba

At para na rin sa 'king kapakanan

Dahil kung ito na lang ang tanging paraan

Upang ikaw ay manatili handa 'kong magtiis

Ibalewala ang mga yan para sating pagmamahalan

Ano man ang dahilan 'di kita pakakawalan

Pero minamahal kita

Kahit 'di kita maunawaan

Basta minamahal kita

Kahit na walang kapayapaan

Mahal mo rin ako 'di ba?

Kaso nga lang, kadalasan

Pinag-aawayan natin ay mga bagay

Na wala namang kadahilanan

'Di ko alam kung bakit ba napakahilig mo

Akong awayin kahit na nananahimik na

At bakit ba ako palaging nakikita mo?

Ang nakikita mo

Ang nakikita mo

'Di ko alam kung bakit ba napakahilig mo

Akong awayin kahit na nananahimik na

At bakit ba ako palaging nakikita mo?

Ang nakikita mo

Ang nakikita mo

Davantage de M ZHAYT

Voir toutlogo

Vous Pourriez Aimer