Ito'y kwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
Sa lugar na ang ilaw- ay patay sindi
Ooh
Simulan natin ang istorya
Ako'y kanyang matalik na kaibigan
Ernesto ang aking pangalan
Kwentong dapat 'nyong malaman
'Wag nang magbulag- bulagan
Bakit ang nais natin ay
Malaman ang baho ng iba?
Pagbibigyan kita kilala mo ba si magda
Na aking kababata mula pa ng pagkabata
Kami lagi magkasama
Mga bangkang papel sa sapa
Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
At pag siya'y dumadaan mga leeg ay pumipilipit
Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga
Tuwing kausap ko na malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman pinilit kong isara
Ang bibig at pintig ng puso para sa kanya
At sa sayawang matapos kaming makapagtapos
Kahit pinawis ang mukha ako'y nagpunas ng pulbos
Kahit parang hindi pantay ay nagmamadaling hinila
Pinakilala niya lalaki na taga maynila
Magdalena ano'ng problema
Alam naman natin na dati kang nena
Sa iyong ama ikaw ay prinsesa
Anong nangyari sa'yo oooo
Ito'y kwento ng isang babae
Tulog sa umaga gising sa gabi
At nang biglang nagpalakpakan
May mabagal na kanta
Sa maliit na entablado ay nakita ko na
Ako ay nagtaka nagtanong nagkamot
Kung bakit s'ya sumasayaw na
Sapatos lang ang suot
Yeah Magdalena haaaaaaa
Magdalena ano'ng problema
Alam naman natin na dati kang nena
Sa iyong ama ikaw ay prinsesa
Anong nangyari sa'yo
Ito'y kwento ng isang