Sa balon laging mag-isa
Ang dilag na hindi iba
Bakod na tila parang selda,
Kinulong sa naluma nang storya
Ang buhay niya'y nasasayang lang
Susunod at aayon lang
Sa pangarap tatakbo
Umaasa nang tago
Ang sabi ni ama noon
Bagyo at niyebe'y hinamon
Ang batang 'yon, muli bang babalik?
At nasaan ang hiling?
Saksi ng puno't ulap
Sa gubat nangangarap
Bulong sa tubig ay iniwan
Nasaan ang hiling?
Balang araw sana
Hawak ang pag-asa
Na'ng ama ay matularan
Sa panaginip lang, dilag na may tapang
Magagawa kayang matagpuan
Lumabas at magising
O habang buhay mahimbing
Nasaan ang hiling?
May awa at kabutihan
Pilit niyang pinararamdam
Ngunit sa bayan, may kadiliman
Parang tama'y kinalimutan
Lalaban ba? Maduduwag?
Susunod? O susundan?
Matutupad ba'ng nais na maging?
At nasaan ang hiling?
Saksi ng puno't ulap
Sa gubat nangangarap
Hadlang lahat gustong takasan
Nasaan ang hiling?
Balang araw sana
Hawak ang pag-asa
Milagro sa 'kin ay gigising
Sa panaginip lang, dilag na may tapang
Sadya bang nilihim nang 'di alam?
Lumabas at magising
O 'sang taong mahihimbing
Nasaan ang hiling?
Ang pangarap na tago
Matutupad lang 'to
'Pag sina-puso, puso, puso, puso
Sigaw at humiyaw
Hangarin ding sa 'yo
At isa-puso, puso, puso
Patuloy man ang pusong dumaing
Naghihintay pa rin...
Nasaan ang hiling?
Bulong sa tubig ay iniwan
Nasaan ang hiling?
Balang araw sana
Hawak na'ang pag-asa
Ang ama'y matutularan?
Sana ay masimulan
Sabihin nararamdaman
Tapang mailalabas
'Di kailangang iligtas
At mangangarap lang ulit
Pag-gising, ay ako pa rin
Nasaan ang hiling?
Nasaan ang hiling?
Nasaan ang hiling?