menu-iconlogo
huatong
huatong
mcoy-fundales-bakit-kita-hahabulin-cover-image

Bakit Kita Hahabulin?

Mcoy Fundaleshuatong
sixequalsmartnshuatong
Paroles
Enregistrements
Ba't pa kita hahabulin?

Kapag nilisan ba'y mawawala'ng lahat sa akin?

Gano'n ka ba kaespesyal

Na kapag nawala ka, 'di ako tatagal?

Kailangan ko ba ng sa akin ay gigising

Kapag ang loob ko ay nahihimbing?

Kailangan ko ba ng 'yong biro't patawa

Kapag inaanod ng luha?

Bakit ako manghihinayang

Sa isang kagaya mo?

Ano ba'ng mayro'n ka na wala ang iba?

Ba't ako sa 'yo magmamakaawa?

Aanhin ko ang tamis ng 'yong mga labi

Higpit ng 'yong yakap at pagtrato mo ng hari?

Sa gitna ng aking mga pagkukulang

Lagi kang nand'yan kahit 'di ka kailangan

At ano'ng paki ko sa taglay mong ganda

Na hindi maikukumpara sa iba?

Eh, ano kung marami sa 'yong nakapila

Na kay tagal nagbantay at naghintay

Umasa na tayo'y maghihiwalay?

Da-ra-ra, ra-ra, ra-ra

Bakit ako manghihinayang

Sa isang kagaya mo?

Ano ba'ng mayro'n ka na wala ang iba?

Ba't ako sa 'yo magmamakaawa?

Ba't ako sa 'yo magmamakaawa?

Ano ba'ng mayro'n ka?

Davantage de Mcoy Fundales

Voir toutlogo

Vous Pourriez Aimer