Kahit ano ang kayod ko
Kapos pa din ako
Ubos na ubos sa bayarin
Pasensiya darling
Gugulin ko man
ang lahat ng oras
Di magkasya ang inaabot ko
Kaya ngayon
Nagdesisyon
Lalayo ako
At Sa aking paglisan
Lagi mong tandaan
Aking kapalaran
Ay Hahanapin lang
Sa ibang bansa
Makipagsapalaran
Nang ang mundo natin sana ay gumaan
Sana'y idalangin mo
Pangarap sana'y matatamo
Tiis,Tipid diskarte ko
Upang makaipon
Khuobos sa umaga
Hanggang sa merienda
Di magsasawa
Ang Bahay at lupa
Na ating puntirya
Mapapasakamay mo na
Munting paraiso
Na ating palasyo
Eto ang alay ko
Magtiwala ka lang sana
Oh aking mahal
Aking tutuparin
Lahat ay gagawin
Kumapit ka lang
At wag kang magdamdam
Laging ipadama ang yong pagmamahal
Buhay na pinangarap ko
Lahat ng ito ay para sayo
Salamat sa poong maykapal
At napagbigyan
Munting kahilingan
Nabiyayaan
Na pasalamatan
Ng buong katapatan
Pangarap ko sayo ay aking nakamtan
Sana Di na maglalaho
Kahit na Kailan pa man