Kada hakbang sa lupa'y para akong inaalon
At nalulunod sa batikos ng mundo
Sa kung ano lamang ang kaya ko
Pigang piga na sa mga problemang 'di masolusyonan agad
Parang wala ng bukas
Pwede bang umiwas
Hinahanap ang sarili ngunit 'di na kakayanin
Sa ligaw na dinadaanan ko
Sa'n na 'to patungo
Sa'n na 'ko patungo
At dahan dahan nating simulan muli ang paghakbang
Dahan dahang tumingin sa salamin
Upang makita ang ating kagandahan
Dahan dahang iangat ang mukha
Upang masilayan ang payapang kalangitan
Oo pagod ka na pero 'di ka nag iisa
Kaya't lumaban ka at sabihing
Ako naman muna
Sa'n na 'ko patungo
Dahan dahan nating simulan muli ang paghakbang
Dahan dahang tumingin sa salamin
Upang makita ang ating kagandahan
Dahan dahang iangat ang mukha
Upang masilayan ang payapang kalangitan
Oo pagod ka na pero 'di ka nag iisa
Kaya't lumaban ka at sabihing
Ako naman muna
Hinahanap ang sarili ngunit 'di na kakayanin
Sa ligaw na dinadaanan ko
Sa'n na 'to patungo
Sa'n na 'ko patungo
Dahan dahan nating simulan muli ang paghakbang
Dahan dahang tumingin sa salamin
Upang makita ang ating kagandahan
Oo pagod ka na pero 'di ka nag iisa
Kaya't lumaban ka at sabihing
Ako naman muna