Kung pwede lang wag mo na 'tong iwasan
At 'wag mo ring ituring na biro
Marahil 'to'y 'di mo inaasahan
Pero sana'y 'wag ipinid ang pinto
Itikom ang bibig
Mata'y ibaling sa'kin
Pakinggan mo ang sasabihin ko
Kailan mo ba matututunan, kailan mo ba
Pagsisigawan na 'di mo na 'pagkakailang tayo
Kay rami nang pinagdaanan ano pa ba ang
Iyong kailangan, nagsusumamo na sabihin mo
Ang diwa ko'y tigib sa kaiisip
Sa sarili'y laging may kinikimkim
Patuloy lamang bang mananaginip
At mananatili lang na nakapikit
Ako'y mayro'ng batid
Ito'y iyong pag amin
Hindi na natin maiiwasan 'to
Kailan mo ba matututunan?
Kailan mo ba pagsisigawan
'di mo na pagkakailang tayo?
Kay rami ng pinagdaanan
Ano pa ba ang iyong kailangan?
Nagsusumamo na sabihin mo
Itikom ang bibig
Mata'y ibaling sa'kin
Pakinggan mo ang sasabihin ko
Naintindihan mo ba?
Kailan mo ba matututunan?
Kailan mo ba pagsisigawan
Na 'di mo na pagkakailang tayo?
Kay rami ng pinagdaanan
Ano pa ba ang iyong kailangan?
Nagsusumamo na sabihin mo
Nagsusumamo na
Sabihin mo
Hoh hooh