Uploaded by Kyle
ROOM 120251
Sa pagitan ng
simula't katapusan
Matagal ko nang
pinag-iisipan
Bago mo ako
tuluyang iwanan
Ihahatid kita
Kung mayroon akong
natutunan
Sa dami ng ating
pinag-awayan
'Yan ay wala akong
dapat patunayan
Ihahatid kita
Naisip ko rin namang
umalis na ng tuluyan
Pero hindi tamang ikaw ay iwanan
nang walang paalam
Alang-alang sa pinagsamahan
Ihahatid kita
Du'n sa lugar
kung saan ka magiging masaya
Kahit na
hindi ako ang kasama
Ihahatid kita
Walang mangungulit,
wala nang magagalit
Huwag kang mag-alala
Ihahatid kita
Binigay lahat
ng makakaya
Pag-ibig na tapat
mula nu'ng una
Ngunit lahat ito,
sa 'yo'y kulang pa, Kaya
ihahatid kita
Naisip ko rin namang
umalis na ng tuluyan
Pero hindi tamang ikaw ay iwanan
nang walang paalam
Alang-alang
sa pinagsamahan
Ihahatid kita
Du'n sa lugar
kung saan ka magiging masaya
Kahit na
hindi ako ang kasama
Ihahatid kita
Walang mangungulit,
at wala nang magagalit
Huwag kang mag-alala
Ihahatid kita
'Di ka hahabulin
'Di ka pipigilin
Huwag mag-alala
Ihahatid kita
Du'n sa lugar
kung saan ka magiging masaya
Kahit na hindi ako ang kasama
Ihahatid kita
Walang mangungulit,
wala nang magagalit
Huwag kang mag-alala
Ihahatid kita
Kung saan ka magiging masaya
Kahit na hindi ako ang kasama
Ihahatid kita
Walang mangungulit
at wala nang magagalit
Huwag kang mag-alala
Ihahatid kita
Huwag kang mag-alala
Ihahatid kita