Pagmumukhang parang dragon na
Nagbubuga apoy nagsunog 'di maapula
Good game naka- pako na
Kinabisado 'yung laro 'pag nanalo may balato ka
Sabi dati parang gago ka
'Di natinag tinuloy
Lampake sa namumuna
'Di man kami ang mga nauna
Pinapangako sa laro hanggang dulo ay kasado na
Andito na naman ang mga buang
Pero minsan lutang paakyat ng baitang
Naging loko na gang tambay ng kalangitan
Ngayon mga huwaran sagad ng kabaitan
Sa taas ng view gumagawa ng new
Naging laman ng news kaya nagre- renew
Sa kanya- kanyang hue nagka- revenue
Mayro'ng big na crew kayang mag- overthrew
Kami ay pagpalain sa kanya- kanyang gawain
Ang aming karunungan inyo sanang palawakin
Pusong manhid sa siyudad basbasan at paganahin
Para naitulong gamit musika ay maparami
Let's go
Ten six nine marunong gumalang
Yeah- yeah
Pumaparehas kahit na gumagapang
Yeah- yeah
Respeto sa mga tunay na huwarang
Sumasagip sa 'kin sa tuwing walang makuhaan
Ang lakas ng loob para makalaban
Geh- geh
Sanay na 'ko 'di na para kabahan
Tinaya 'yung buhay ko sa harapan
Alam mo din mundo'y madilim
Daming naligaw gusto lang daw tumikim
'Di na natapos no'ng matutong humiling
Hapdi at kirot ng buhay gustong gumaling
Masama bang sa gan'to kami sakim?
Sige rolyo daming bago
'Di dama ang pagod kahit 'la pa dating sahod
Tinotodo kayod tinaasan lang ang bakod
Mga salot labo makapasok
Mausok sa tarima't masulasok
'Di mabubulabog
Kalmado ang loob kapag ginago
Lumalabas demonyong nakatago
Sabing bawal binabalot
Bumalandra parang walang takot
Madedo't mapiit agad malabo
'Yon garantisado
Kaligtaasan ang sinigurado
Ang bawat paghakbang ay pinaplano
Buti 'di napako
Kahit talamak mga hunyango
Mahusay lang itago mga baho
'Di na 'ko bago sa laro
Tagal ko nang nakikipagbuno
Nakikipagpalitan ng ideya at tunog
Gumagawa ng musikang tagos sa 'yong bungo
At nagbibigay ng buhay sa kaluluwang tulog
'Di nakita 'yung dala- dala ko 'di mahina
Galing pa sa tropa ko na 'di taga- maynila
Grabe 'yung aroma pare bawal sa may hika
Bawal na sabihin kasi baka mabalitaan
Ng mga tao kung sa'n ako kumukuha ng lakas
Sa gulay saka prutas at dasal
S'yempre merong kilos din kasi hindi hangal
Sabi nga ni Luci J
Doet pa rin nang doet hanggang sa lahat tumugma
Sa daming bulong kutya pangarap inaansinta
'Di mabilang tinawid bago pa makasampa
Habang dala- dala pa rin gigil 'di nawawala
Sitwasyon na mahirap lalo pang tumatag ako'y thug
Para sa pamilya dahilan kaya pumalag
Sa kahirapan may kalaban lalo pang sinagad
'Di naiiwan lumulutang lang sa tunog babad
Lumipad nawala nahilo- hilo sa daan
Nasagip ngayon andito na naman
Kumukulit palagi sa mabuti naman
Bawat butil tinanim may aanihin din 'yan
That's right
Pagmumukhang parang dragon na
Nagbubuga apoy nagsunog 'di maapula
Good game naka- pako na
Kinabisado 'yung laro 'pag nanalo may balato ka
Sabi dati parang gago ka
'Di natinag tinuloy
Lampake sa namumuna
'Di man kami ang mga nauna
Pinapangako sa laro hanggang dulo ay kasado na