menu-iconlogo
huatong
huatong
abrajeriko-aguilarthyro-gayuma-cover-image

GAYUMA

Abra/Jeriko Aguilar/Thyrohuatong
꧁🄲🄰🄿🅃꧂༒꧁🄹🄴🄵🄵🅁🄴🅈꧂®huatong
Lirik
Rekaman
Harana para sa dalaga

Na kung 'di dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ko na sana

Dalaga na balak makasama

Mula sa simula hanggang sa magsipagtunugan 'yung kampana

Makasama ka na para bang tadhana

At kamatayan lamang ang nag-iisang pintuan kung wala ka

Ang tadhana, sadyang kahanga-hanga

Ibang mga babae sa mundo, kinalimutan ko na

Para masabi lang sa 'yo na tapos na ang panggiginaw

Ng puso kong naghihikahos 'pagkat naliligaw

Ngayon, paos na paos na sa kasisigaw

Ng iyong pangalang laos na sa kalilitaw

Ngunit bakit parang maraming nakatitig sa 'tin?

At parang hindi sila sang-ayon sa pag-ibig natin

Mahal kita kahit may pagkaalanganin

'Pagkat sa 'tin, mas mukha ka pang lalaki kaysa sa 'kin (oh, whoa, whoa, whoa)

Hindi ko maipaliwanag

(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)

Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap

(Ikaw ang laging hinahanap sapagkat)

Paggising ko, ikaw ang nasa isip

Bitbit kita hanggang sa panaginip

Kasi ikaw ang iniibig ko (ikaw lang at wala nang iba)

Ngunit hindi ko maipaliwanag

(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)

Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap

(Ikaw ang laging hinahanap sapagkat)

Paggising ko, ikaw ang nasa isip

Bitbit kita hanggang sa panaginip

Kasi ikaw ang iniibig ko

Ang buhay, parang dagat na kung saan lahat tayo nagtipon

Sa dami ng isda, nakabingwit ako ng hipon

Hindi ka lang maganda 'pag hindi nakatalikod

Parang ipot ka ng ibon magpakipot

Hindi kanais-nais pero hulog ka ng langit (hulog ka ng langit)

Nakakaadik kahit puro kuto ka sa anit (kuto ka sa anit)

Kalait-lait pero kahit ubod ka ng pangit (yuck)

Sa 'kin, mas kaakit-akit ka pa kapag natuto kang mag-ahit (ah, yuck)

Hindi ka man napili, ikaw lang ang kapiling ko

Kahit hindi pilitin, ikaw ang pipiliin ko

Para kang Rebisco, ang sarap ng filling mo

Ikaw ang nami-miss ko, mismo

At kung kasama ka, parang naglakad ang aso, kaso 'di

'Pag galit si Son Goku, parang kamukha mo, babe

Pero ika'y bituin kapag sa langit nakadungaw

Kahit parang in between ka ng babae at bakulaw

Hindi ko maipaliwanag

(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)

Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap

(Ikaw ang laging hinahanap sapagkat)

Paggising ko, ikaw ang nasa isip

Bitbit kita hanggang sa panaginip

Kasi ikaw ang iniibig ko (ikaw lang at wala nang iba)

Ngunit hindi ko maipaliwanag

(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)

Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap

(Ikaw ang laging hinahanap sapagkat)

Paggising ko, ikaw ang nasa isip

Bitbit kita hanggang sa panaginip

Kasi ikaw ang iniibig ko

Isang araw, dumalaw sa 'kin ang aking dating kasintahan

Ang sabi niya, "Uy! Mayro'n akong nabalitaan"

Nang ikuwento niya, ako'y napaisip

Sabay napatahimik nang sinabing, "Hindi 'yan tunay na pag-ibig"

Ilang araw hinanap bago makita ang sagot

Kung tama ang hinala, ito'y mabisa na gamot

At nang aking inumin, saka ko lang naunawaan

Gayuma nga, 'lang-hiya, ako'y naloko lamang

Nilinlang, dinaya, at inuto nang matindi

Ngayon ay pili ko na kung sino'ng kupal sa hindi

Ito ay pelikula na binuo patabingi

Isa kang malaking libag na tinubuan ng pisngi

Alam mo? Mukha kang tuhod na may bukol, na may sugat, na may nana

Ikaw ang dahilan kung ba't nasulat 'tong harana

Para sa dalaga na kung 'di dahil sa gayuma ay pinaliguan ko ng bala

Hindi ko maipaliwanag ('di ko maipaliwanag)

Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap (oh, whoa)

Paggising ko, ikaw ang nasa isip (bad trip)

Bitbit kita hanggang sa panaginip (ang pangit mo talaga)

Kasi ikaw ang iniibig ko (ikaw lang at wa-, ah, teka, teka, teka, teka)

Ngunit hindi ko maipaliwanag (hindi)

(Pero ngayon ay maliwanag na lahat)

Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap (oh)

('Di ako makapaniwala sapagkat)

Paggising ko, ikaw ang nasa isip (kalokohan)

Bitbit kita hanggang sa panaginip (hay, naku)

Kasi ikaw ang iniibig ko (oh)

Siyempre, 'yan ay dahil sa ga-ga, gayuma, ga-ga, gayuma (gayuma)

Dahil sa ga-ga, gayuma, ga-ga, gayuma

Dahil sa ga-ga, gayuma, ga-ga, gayuma

Dahil sa ga-ga, gayuma, ga-ga, gayuma (ga-ga, ga-ga, gayuma)

Ga-ga, gayuma, ga-ga, gayuma

Ga-ga, gayuma, ga-ga, gayuma

Ga-ga, gayuma, ga-ga, gayuma (yeah)

Ga-ga, gayuma, ga-ga, gayuma

Selengkapnya dari Abra/Jeriko Aguilar/Thyro

Lihat semualogo

Kamu Mungkin Menyukai