menu-iconlogo
logo

Tahanan (feat. Davey Langit)

logo
Lirik
Kung saan saan saan na napunta

Samut-saring mga istorya at iba't ibang mukha

Ngunit san man ako dalhin ng hangin wala parin ibang pipiliin makasama

Pinapangarap ko sa t'wina

Mahagkan at mamasdan pagkat ikaw parin ang aking tahanan

Tahanan na

Tahanan na

Tahanan na

Aking nilibot at inikot ang mga pasikot sikot

Na daanan kahit pa yung iskinita na makipot

May daanang maluwag baku-bako at merong patag

Gulong-gulo ang isip at hindi na mapanatag

Sumagupa sa ulan at sa araw ay nakababad

Kailan ulit ang banig sayo mailalatag

Ikaw ang hanap-hanap gusto kang balikan

Masasayang ala-ala kinasasabikan

Ikaw ang aking kanlungan ang nagsisilbing silungan

Aking pinaghuhugutan tuwing may kalungkutan sa aking paglalakbay sa may patag ako hinanay

Sa hamon ng buhay sa pagsubok ako sinanay

Tuloy-tuloy sa paghakbang

Kahit pa mayrong hadlang

Pupunan ko ang patlang

Sa pamamagitan nang

Pag-ibig na walang hangganan hangganan hangganan

Ikaw ikaw ikaw ikaw puso ko aking tahanan

Kung saan saan saan na napunta

Samu't-saring mga istorya at iba't ibang mukha

Ngunit san man ako dalhin ng hangin

Wala paring ibang pipiliing makasama

Pinapangarap ko sa twina

Mahagkan at mamasdan

Pagka't ikaw parin ang aking tahanan

Di na mabilang ang hakbang ng aking mga paa

At ang mga nasilayan ng aking mata

Sa labas ng tahanan ay may magagandang tanawin

Ngunit taglay ko parin dadaming di kayang dayain

Ikaw ang pipiliing laging makatabi

Kapag malayo ka sakin halos di mapakali

Hindi inisip ang sariling kapakanan

Ni minsan di kumaliwa ang lakad laging pakanan

Tumalikod sa tukso

Tuloy ang pusong lumukso

Mamahalin ka ng gusto pagkat ikaw lang ang gusto

Makasama makapiling

Ikaw na nga marahil ang tibok ng damdamin kahit na meron pang hilahil

Tuloy-tuloy sa paghakbang

Kahit pa merong hadlang

Pupunan ko ang patlang

Sa pamamagitan nang

Pag-ibig na walang hangganan hangganan hangganan

Ikaw ikaw ikaw ikaw puso ko aking tahanan

Kung saan saan saan na nagpunta

Samu't-saring mga istorya at iba't ibang mukha

Ngunit san man ako dalhin ng hangin

Wala paring ibang pipiliing makasama

Pinapangarap ko sa twina

Mahagkan at mamasdan pagkat ikaw parin

Ang aking tahanan

Iniwanan ka't pinakawalan

Nilibot ang mundo upang hanapin ang kahulugan ng pag-ibig

At ang pusong naligaw lumayo man ang ating landas

Laging tanaw ay ikaw

Mabilis man lumipas ng oras araw buwan at taon

Matiyaga ako na nag-antay sa tamang pagkakataon

Ito ang panahon

Kaya ngayon di na pa kaya pang malayo ang puso kong ito

At kung saan saan saan na nagpunta (ako'y nilibot ang mundo upang makita ka)

Samu't-saring mga istorya at iba't ibang mukha (sabik na masilayan ang ganda ng 'yong mukha)

Ngunit san man ako dalhin ng hangin

Wala paring ibang pipiliing makasama (ikaw ang laging hahanapin ang tanging hanap)

Pinapangarap ko sa twina (ikaw lang at ikaw ang ibinubulong sa hangin)

Mahagkan at mamasdan (kahit saan man makarating ikaw ang hahanap-hanapin)

Pagkat ikaw parin (ikaw ikaw ikaw)

Ang aking tahanan

Tahanan na

Tahanan na

Tahanan na (ikaw ikaw ikaw)

Tahanan na

Tahanan na

Tahanan na

Tahanan (feat. Davey Langit) oleh Aikee - Lirik & Cover