Patungo sa iyo d'i alam kung sa'n ako pupunta
'Di alam ang gusto (di alam)
Pa'no nga ba d'i na ko makagalaw oh
Oh kung 'di para sa atin ay 'di na rin aamin
Kung 'di para sa akin ay 'di na rin (oh woah)
Oh kung 'di para sa atin ay 'di na rin aamin (para sa atin ay 'di na rin aamin)
Kung 'di para sa akin ay 'di na rin tama ka nga (oh woah)
'Di ko na karapatang tanungin kung mayro'n nang iba
'Di na rin dapat itanong sa umaga kung kumain ka na ba
'Yan na ang ating pasya tawag at text ay dapat nang iniinda
Pasensya na gano'n lang talaga 'pag sanay laging kasama ka
'Di ko na saklaw ang mga bagay na ito
'Di kita pag-aari at lalong hindi naging sa 'yo
Aalagan pa rin kita sa malayo 'yung tipong kaya ka pa ring tanawin
Kahit ilang pulgada man ang siyang abutin
Itong mayro'n tayo'y 'di ka na kaya pang sagipin
'Di na rin para nga ako'y umasa pa
Na sati'y may posible na mangyari pa
Sa hangin ang damdamin ay dinadala
'Tang inang pag-ibig 'to nakakatanga
'Di na rin para nga ako'y umasa pa
Na sati'y may posible na mangyari pa
Sa hangin ang damdamin ay dinadala
'Tang inang pag-ibig 'to nakakatanga
Oh kahit anumang gawin ko ay 'di eepekto 'yan ang galit sa puso mo
Ano ba talaga gusto pero may iba
'Yoko nang maramdaman pinipilit bakit ba ganyan
Wala nang kamustahan kahit magka-ilangan
Balang araw ay akin ding matututunang
Kalimutan ang lahat parang bago na aklat
'Di ka na basa isa kang alamat igihan man sa dalubwikaan ay walang mabubuklat
Patungo sa iyo
'Di alam kung sa'n ako pupunta 'di alam ang gusto
'Di alam (oh)
Kahit saan ako tumingin alaala ng mukha mo lang ang kayang tanawin
'Di na kita tatawagin at hahanapin sarili ko na muna ang aking mamahalin
Pero kahit saan ako tumingin alaala ng mukha mo lang ang kayang tanawin
'Di na kita tatawagin at hahanapin sarili ko na muna ang aking mamahalin
Kasi ('di na rin para nga ako'y umasa pa)
Lahat ng bagay na pinipuwersa madalas na nasisira
Kaya tatagay na lang sa bahay baka sakaling 'di na makikita
Ang alaala ng mukha mo masasayang nakaraan na ginawa mo
Pa'no pa 'ko lalaban kung 'di ka lalaban eh ano pang magagawa ko
Alam ko na kung bakit ka nag-iba
'Di na kita hahabulin kung kakapit sa iba
Malamang mahihirapan na 'ko neto mag-isa
Nasanay na rin kasi ako na kasama kita
Takot ako sumugal pero sa 'yo pumusta
'Wag ka mag-alala 'di na ko mangangamusta
Kaya 'wag mo na sana 'kong paasahin pa
'Tang ina kasi dati 'kala ko akin ka