Ang buong akala ko noon 
Ay tayo lang dalawa ang magkasama 
Ngunit bakit biglang naglaho 
Tamis ng pagmamahal ay nasaan na 
Umiiyak ang puso ko 
Paano na ako ngayon 
Iniwan mo akong 
Nag-iisa't nagdurusa 
Sa piling ko'y wala ka na 
At may minamahal ka ng iba 
Bakit kaya damdami'y nagbago 
Ikaw, ako tuluyan na nagkalayo 
Tanong ng isip bakit nangyari to 
Kulang pa ba ang pag-ibig na inalay ko 
Umiiyak ang puso ko 
Paano na ako ngayon 
Iniwan mo akong 
Nag-iisa't nagdurusa 
Sa piling ko'y wala ka na 
At may minamahal ka ng iba 
Nasanay na ang puso na kasama ka 
Hinahanap pa rin kita 
Ikaw lang at walang iba 
Umiiyak ang puso ko 
Paano na ako ngayon 
Iniwan mo akong 
Nag-iisa't nagdurusa 
Sa piling ko'y wala ka na 
At may minamahal ka ng iba 
Sa piling ko'y wala ka na 
At may minamahal ka ng iba