Iiyak Ka Rin
Anong ganda
Anong saya
Kapag namulat ang puso
Sa pag sinta
Anong galak
Tuwang tuwa
Bawat tibok nito’y sumisigla
Wari’y kulang pa
Pag naakit mo’y
Tila bihag na
Minamahal
Minumutya
Pati habang buhay
Sayo i-aalay
Maging ngayon
Habang buhay
Hanggang lumipas
Ang kalian pa man
Walang katapusan
Ikaw ang kulay ko
Ako ang ilaw mo
Iiyak ka rin sa ligaya at tuwa
Pag taglay mo na
Ang pagsuyong kay ganda
Ngunit langit na
Ang tanging magpapasya
Pag buhay ang inangkin
Diba’t iiyak ka rin
Liwanag mo
Ay langit ko
Handog ng puso ko
Ang kulay ng mundo
Anong ganda
O kay ganda
Kahit lumipas ang kalian pa man
Iyong tatandaan
Ikaw ang kulay ko
Ako ang ilaw mo
Iiyak ka rin sa ligaya at tuwa
Pag taglay mo na
Ang pagsuyong kay ganda
Ngunit langit na
Ang tanging magpapasya
Pag buhay ang inangkin
Diba’t iiyak ka rin
Diba’t iiyak ka rin