Panginoon, marapatin Mo
awit na alay ko
‘Di man sapat ang tinig Ko
sa kabutihan Mo
Ako’y nagsusumamo
na tanggapin Mo
Walang hanggan
ang papuri na alay
Panginoon, tanging
sa ‘Yo ibibigay
Hangga’t may tinig ako
Patuloy na aawit sa ‘Yo
Ihahayag ang banal na ngalan Mo
T’winang ako’y naliligaw
hinahanap Mo
At ako’y inaakay sa
landas na nais Mo
Wala nang hihigit pa sa pag-ibig Mo
Walang hanggan
ang papuri na alay
Panginoon, tanging
sa ‘Yo ibibigay
Hangga’t may tinig ako
Patuloy na aawit sa ‘Yo
Ihahayag ang banal
na ngalan Mo
Bawat saglit ng buhay ko hanggang sa pagtanda
Maglilingkod sa ‘Yo hindi magsasawa
Hindi magsasawang dakilain Ka
Walang hanggan
ang papuri na alay
Panginoon, tanging
sa ‘Yo ibibigay
Hangga’t may tinig ako
Patuloy na aawit sa ‘Yo
Ihahayag ang
banal na ngalan Mo
Ihahayag ang banal na ngalan Mo