Madilim na paligid
Nangangapa sa gilid ng bangin
Hindi alam kung sa'n pupulutin
At kung anong mangyayari sa'kin
Kahapon ako'y napagod
Sa mga bagay na gumugulo
Sa aking panaginip
Biglang may tumawag sa'kin
Kausap ko si Bathala
Sabi nya s'ya ang bahala
H'wag daw mag alinlangan
S'ya daw ang kailangan
Malubak na kalsada
Ako lang ba ang dumadaan
Wala daw patutunguhan
Kung ako ay lilihis ng daan
Ako ay biglang nagising
Sa aking panaginip
Nakausap mo ba si Bathala
Sabi nya s'ya ang bahala
Kausap ko si Bathala
Sabi nya s'ya ang bahala
H'wag daw mag alinlangan
S'ya daw ang kailangan
Hinihigop lang ako ng higaan ko maghapon
Ayaw ko munang bumangon baka mas lalong umalon
Mag iisip lang maghapon kung pano ko itatapon
Mga pasakit kahapon pa'no ko ba maaahon
Malapit na ang panahon panahon ng paghuhukom
Nag iiba na nga ngayon wala pa rin bang direksyon
Ikaw ang aking koneksyon bahala ka Panginoon
Tapos na ang bagong taon magbabago na rin ngayon
Ilang taon na nagkulong maaga akong nalulong
Sa tenga ko may bumulong agad ako na nagtanong
Bakit ako umalulong hinihingal ng paurong
Dahil sa 'yo Panginoon patuloy lang hanggang ngayon
At masasabi sa sarili magtiwala lang palagi
Titibayan ang haligi para 'di nila madali
Talangka na nagsasabi na malabo't imposible
Patuloy na aatake may Bathala ko parati
Kausap ko si Bathala
Sabi nya s'ya ang bahala
H'wag daw mag alinlangan
S'ya daw ang kailangan
Mga sinulat kong paksa pahaging lang ng bahagya
Huwag ka sanang mabibigla kung sa bibig ko magmula
Sa aklat ay nakatala mula noong unang simula
Kung ikaw ay nakatakda baunin mo 'yon pagtanda
Ika nga ng matatada gumalang ka na may akda
Sikapin mo'ng maging handa sa panahong walang wala
Durugin kang dapang dapa sa langit ka tumingala
Pigilin mo na magwala wala ka d'yang mapapala
Kausap ko si Bathala
Sabi nya s'ya ang bahala
H'wag daw mag alinlangan
S'ya daw ang kailangan
Kausap ko si Bathala
Sabi nya s'ya ang bahala