Nalulunod sa pangangamba
Puno na ang baga, pasuko ka na
Sa'n ka kakapit kung malalim na
Ang sabi ay "Arte lang 'yan" (oh-oh-oh-oh)
Nalulunod sa pangangamba
Di mo alam kung may pangtustos pa
Nagkaubusan na ng pangmedisina
Ang sabi'y "Bahala ka na"
Ang pagkakalunod ay nararanasan mo na ba
Sana'y makaahon ka 'pagkat kailangan ka nila
Nalulunod sa pangangamba
Mga parusang 'di humuhupa
Sa'n ka kakapit kung malalim na
Ang sabi'y "Mababaw lang 'yan"
Ang pagkakalunod ay nararanasan ng iba
Sana'y makaahon ka 'pagkat kailangan ka nila, hmm
Nalulunod sa pangangamba
Dahan-dahan, ako'y lalangoy na
Ooh, sisisirin hanggang makarating ka
Sa ginhawang itinadhana
Sa ginhawang itinadhana
Di na muling malulunod pa