menu-iconlogo
logo

Mapa

logo
Lirik
Mapa, mapa, mapa

Mapa, mapa, mapa

Siyam na buwan sa sinapupunan

Dugo, luha at pawis ang naging puhunan

Pinag-ukulan ng tiyaga at pagpapagal

Ang tanging pinagkukunan ng lakas ay pagmamahal

Sa lahat ng sandali

Kailanma'y 'di inisip ang kanilang sarili

Mapamalagi lamang at mapanatili

Na araw-gabi kumakandili hanggang sa paglaki at kahit

Sa'n makarating

Ang bilin niyo ang dadalhin

Laging lilingunin

Mga payo niyo ang bibitbitin

Mapadpad man sa malayo

Mapapalinaw ang malabo

Mapapanatag aking puso

'Di ako maliligaw dahil nandiyan kayo

Mapa, mapa, mapa

Mapa, mapa, mapa

Mapatawad niyo po sana

Ang inyong anak na madalas nagkakasala

Pagpasensiyahan niyo na kung minsan 'di ko alintana

Ang mga kamalian ko na hindi ko maitama

Mga salita na pabalibag at padabog

Ngunit kayo ni ayaw niyo 'kong padapuan sa lamok

Iningatan huwag mahulog sa papag nang hindi mabagok

Nilunok ko ang pangaral hanggang sa huling lagok

Na palaging baunin ang pagiging mabuti

Walang batang napahamak na sumunod at nalugi

Kayo ang humalili upang mapanatili

Ang tatag ng tahanan dahil sa ilaw at haligi

Walang ibang hangad kundi ang mapabuti

Maiayos, mapag-aral, mapatapos at mapangiti

Mapasaya, mapaganda ang buhay sa hinaharap

Dala-dala ang paalala, sa'n man mapadpad na kahit

Sa'n makarating

Ang bilin niyo ang dadalhin

Laging lilingunin

Mga payo niyo ang bibitbitin

Mapadpad man sa malayo

Mapapalinaw ang malabo

Mapapanatag aking puso

'Di ako maliligaw dahil

Kayo ang lumalarawan sa patag kong mundo

Hilaga, silangan, timog, at kanluran

Ng aking puso kayo ang bumuo

Hinarap, pinasan ang bigat binigay ang buong lakas

Upang mapangalagaan at mapatunayan

Dalisay na pag-ibig sa anak hanggang wakas kahit

Sa'n makarating

Ang bilin niyo ang dadalhin

Laging lilingunin

Mga payo niyo ang bibitbitin

Mapadpad man sa malayo

Mapapalinaw ang malabo

Mapapanatag aking puso

Sa'n makarating (sa'n man makarating)

Ang bilin niyo ang dadalhin (ang bilin niyo ang dadalhin)

Laging lilingunin (laging lilingunin)

Mga payo niyo ang bibitbitin

Mapadpad man sa malayo

Mapapalinaw ang malabo

Mapapanatag aking puso

'Di ako maliligaw dahil nandiyan kayo

Mapa, mapa, mapa

Mapa, mapa, mapa

Mapadpad man sa malayo

Mapapalinaw ang malabo

Mapapanatag aking puso

'Di ako maliligaw dahil nandiyan kayo

Mapa oleh Chloe Redondo/Aikee - Lirik & Cover