Hwag mo sanang hayaang masaktan ako
At mawalay mahal sa piling ko
Di ko matatanggap ang iyong paalam
Tiyak kong pati langit magdaramdam
Ganon na lamang ba ang ating nagdaan
Iyong iwanan at talikuran
Mahal pa rin kita di mo maiiba
Pag ibig kong ikaw ang simula
Anong ganda ng ating pagsasama
At makulay pa sa aking gunita
Langit na ang nagdulot ng biyaya
Upang tayong dalawa'y lumigaya
Ginising mo ang puso kong tahimik
Sa daigdig na puno ng pag ibig
Di ko sinasadya na tayo'y magsama
Sa suyuang ikaw ang simula
Ginising mo ang puso kong tahimik
Sa daigdig na puno ng pag ibig
Di ko sinasadya na tayo'y magsama
Sa suyuang ikaw ang simula
Mahal pa rin kita di mo maiiba
Pag ibig kong ikaw ang simula