menu-iconlogo
logo

2020 Freestyle

logo
Lirik
8 Beats

Yeah, 'tol, lakasan ang beat

Yeah, okay

'Tol, pati 'yung snare 'no, hindi ko marinig

Uh, yeah, 'yan, 'yan, 'yan, 'yan

Check, uh

Sus por vida, bawal dito ang pabida

Dahil ang tunay na bida dito ay ang kontrabida

Sa mga zombie na pumutakte ng beat ng pangako

Ang masasabi ko ay 감사합니다

Sa mga tropa na nag-aakalang nakalimot ako

Kumusta kayo? Busy lang po

May sari-sarili na tayong daan, takits sa finals

Mas gagalingan ko, sana'y gano'n din kayo, yeah

'Tol, Disyembre na

Mula nu'ng Enero hanggang ngayon ba, nakikinig ka pa?

Walang pilitan, ang mahalaga, ika'y humihinga

Bad trip ang dami nang trip na nakansela dahil sa corona

Maliban d'yan, ang mga bara ko'y sick

At bawat flow, parang pangkoro na

Nagiging berde mga dura kong ibinubuga

Dahil sa musika, buhay ko'y nagkailaw na

Kung dati nangangapa pa dilim

Dis-oras ng gabi, si Ann ay madalas akong abutang gising

Sabay yakap sa 'kin, pare, gano'n s'ya kalambing

Alam mo na, "Walang kahambing"

Thank You for this angel, God

Nag-igib ka ng biyaya, parang binuhos mo sa 'kin lahat

Sabay sabi sa 'kin, 'di pa daw ito sagad

Ayokong umasa kaya 'di mo 'ko makikitang tatamad-tamad

Oh, reyalidad

Mas masarap kumain sa hapag-kainan 'pag mayro'n kang ambag

Sa Pasko, busog ang pamilya ko at mayro'ng dumagdag

Another angel sent by You, my ninja from above

'Tang ina, English 'yon

Bisag mag-Cebuano pa ko diri ug walay bendisyon

Wala ko'y labot ninyo noy 'yan aking propesyon

At hinihigitan ko lang ang dati kong bersyon

Real talk, this is not a diss song, it's just a real song, man

Yo, alam kong maraming nagbago pero hindi ako 'yon

Kamusta na sa mga dati kong kasama

'Yung iba'y naniwala, 'yung iba'y tumawa

Buhay teleserye kaya punong-puno ng drama

Sa dami na ng mali, pinagbayaran ko ang karma

Lahat kayo ay alaala, sa utak ay malinaw

Kasama ko kayo nu'ng ang ugali ko'y halimaw

Utak gamugamo kaya namatay sila sa ilaw

Pagkatao, 'di barya kaya hindi ako nasilaw

Dati bote ng Ginebra ang puhunan ko

"Never say die" kahit pa sa kangkungan 'to

Inakyat ko ang pangarap, nakakalula, bro

Pero hindi pera sagot sa kalungkutan ko

At ilang beses nadapa, ilang beses nabigo

Nakapasok sa palasyo bago isara pinto

Pakiramdam ko ay hari, nabalutan ng ginto

Biyaheng tagumpay na 'ko, papa'no pa 'ko hihinto? Ugh

Uh, alam n'yo na kung sino 'to

Walang iba, ha-ha, yeah

Uh, inulan ng pagsubok ngayong taon

Pero hindi pumayag na ang sarili'y mabaon

Kulong sa bahay, muntik na 'kong matuluyan

Naglabas ng tatlong album upang kayo'y matulungan

Tila gasolina mga awit, pampagana

Sabi ko walang titigil 'gang bulsa magang-maga na

Hindi rin napabagal kahit bawal lumabas

At kahit na ilang bagyo pa ang sa akin humampas

Lahay ay naging basic dahil sa pinagdaanan

Laway lang puhunan kaya ako'y pinagtawanan

Ngayon, lahat nagulat, mga utak, naimulat

Literal naging papel ang mga naisulat

Bangko, hindi binuhat, bagkos nang-inspira

Panoorin aking buhay, no need ng eksplika

24 oras, tunay araw-araw, gabi

Mensahe ko sa may ayaw sa akin ngayon, "Tabi"

At nag-antay ng mahigit isang dekada

Tinayuan ng pundasyon at barikada

Mag-isang hinalo, tubig, buhangin, semento, at pati ang graba

Sinakripisyo lahat, maabot lang ang mga tala

Salamat sa humanga

Salamat sa mga pasikretong humihila sa 'kin pababa

Ngayon, kumikinang ako, akala n'yo himala?

Ang tunay na diyamante, 'di nababaon sa lupa

Pamamaraan ko ay laging tama

Naniniwala ba ako sa gaba? Hindi na

Kahit pinatay ko ang laro nu'ng nakaraang taon

Pati ngayon, animo'y nagpalaganap ng corona

Dati, gusto kong maging emcee sa FlipTop

Dati, gusto kong maging Artifice

Maging ng FlipMusic, I can prove it at The Voice Philippines

Putang ina, buti na lang mayro'ng Wish 107.5

Again, man, this is not a diss song, it's just a real song

2020 Freestyle oleh CLR/Pricetagg/Omar Baliw - Lirik & Cover