menu-iconlogo
huatong
huatong
davey-langit-bata-cover-image

Bata

Davey Langithuatong
suzukirg500huatong
Lirik
Rekaman
Nais ko ang magbalik sa panahong

Pinapatulog pa ako

Ng nanay ko 'pag hapon

Kunwa-kunwaring iidlip

Pagkalipas ng ilang saglit

Ako'y tatakas na't makikipaglaro

Uuwi ka ng madungis

At basang-basa sa pawis

Papaliguan ka't pakakainin

Kahit na anong gawin

Di ka nila matitiis

Bago matulog may halik pang kay tamis

Kay sarap lang talagang balikan

Ang malaya nating nakaraan

Kaya't sa aking pagidlip

Kahit dun man lang sa aking panaginip

Gusto ko lamang magbalik

Kahit saglit, kahit lamang sandali

Sa aking pagkabata

Takasan ang problema

Dito muna magsaya

Ang hirap pa lang tumanda... haahaa

Magaling lang ako sa pagiging bata

Alam ko na

Kahit pa anong aking gawin

Hindi totoo ang time machine

Kailangan kong mabuhay pasulong

Di pwedeng paurong

Ganyan talaga ang buhay

Kapag pasan mo na rin pala ang daigdig

Di maiwasang mainggit

Sa naglalaro na bata

Na nagpapanggap nang mama

O di lang nila alam

Ganito pala kahirap tumanda

Kay sarap lang talagang balikan

Ang malaya nating nakaraan

Kaya't sa aking pagidlip

Kahit dun man lang sa aking panaginip

Gusto ko lamang magbalik

Kahit saglit, kahit lamang sandali

Sa aking pagkabata

Takasan ang problema

Dito muna magsaya

Ang hirap pa lang tumanda... haahaa

Magaling lang ako sa pagiging bata... haahaa

Ang hirap pa lang tumanda... haahaa

Magaling lang ako sa pagiging bata

Kung bibigyan ako ng pagkakataon gusto kong bumalik sa mga panahon

Na kung saan musmos ang kalagayan sa mura kong isipan

Kinuskos ng kagalakan sa mga kaganapan ng nakaraan

Pagkaway sa bawat mga pagpla-planong dumaraan

Aliw sa mga kwento ni Pedro at ni Juan masaya na ang maanib sa dapat ng electric fan

Taguan habulan mataya-taya sityo syato patintero ang saya

Maghapon maglalaro sa labas ang pagod sa mukha ay hindi mababakas

Ang tanging kontra ay sinturon ni ama at ika'y yayakap kay ina ng mawala ang kaba

Ilan lamang yan sa mga matamis na alaala kaya nais ko na bumalik sa pagkabata

Selengkapnya dari Davey Langit

Lihat semualogo

Kamu Mungkin Menyukai