Kung hindi rin lang
Ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong
Hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw
Ay hindi nalang
Pipilitin pang umasa para
Sa'ting dalawa
Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong
Pinipilit ay ikaw
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na
Umibig pang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong
Ibigin ka?
Kung hindi rin lang
Ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas ng
Hindi na masaktan
Kung hindi ikaw ay sino pa ba
Ang luluha sa umaga
Para sa'ting dalawa
Bumibitaw dahil di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong
Ibang sinisigaw?
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na
Umibig pang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong
Ibigin ka?
Naliligaw at malayo ang tanaw
Pinipigilan na ang pusong
Pinipilit na ikaw
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na
Makita kang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong
Ibigin ka
(Haaaa)
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong
Ibigin ka
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong
Ibigin ka
I Love Music Tambayan Exclusive