Kapeng aking tinitimpla lagi ngayong lumalamig
Hindi ko malaman kung kulang sa tamis
Tasang walang kibo sa 'kiy nakatitig
Ako't siya'y naghihintay masagi nang iyong bibig
Buhok na mahaba iniingat-ingatan ko
Noong isang linggo'y pinaputulan mo ito
Marahil ay pagod lamang ang aking isipan
At 'di ko napansin at hindi pinutulan
Huwag kang mag-alala 'di ako iiyak
Hindi magdaramdam kahit na ga-patak