Ako ay nabighani sayo,
Sa taglay mong ganda
Biglang napatitig sayo ako’y nagtataka
Kung bakit ikaw ang laging iniisip
Sa isang ngiti mong kay ganda
Buong araw ko ay kumpleto na
Kapag ika’y masaya
Ang gusto ko ay ikaw lamang
Tanging ikaw lang magpakailan pa man
Mamahalin ka at hindi sasaktan,
Yan ang pangako
At sa tuwing ikaw ay nalulumbay
Nandito lang ako laging umaalalay
Nais kong ipabatid sa iyo
Na tanging ikaw lang
Ikaw lang mahal
Hindi ko lubos maisip
Na ang isang tulad mo
Na dati ay pangarap lamang
Ngayon ay tunay na
Sa aking puso at sa aking isipan
Araw araw na ikaw ang laman
Buong buhay ko sayo
Ilalaan at ipagsisigawan
Ang gusto ko ay ikaw lamang
Tanging ikaw lang magpakailan pa man
Mamahalin ka at hindi sasaktan,
Yan ang pangako
At sa tuwing ikaw ay nalulumbay
Nandito lang ako laging umaalalay
Nais kong ipabatid sa iyo
Na tanging ikaw lang
Ikaw at ako