menu-iconlogo
logo

Pahina

logo
Lirik
Naranasan mo na ba sa buhay ay malasin?

Kumakalam sikmura at wala ka nang makain

Sa usok ay sabog, nilulunok na lang 'yung hangin

At isipin na busog, baka bukas mapapalarin

Maalat ang diskarte kaya ulam tuyo at daing

Mainit na kape, sinasabaw ko pa sa kanin

Nagtampo 'ko sa bigas kaya walang masaing

Ngayon alam mo na ang sulat at sugat ko'y malalim

Inisip lang pagsubok 'to, hanggang kalian 'to tatagal?

Hanggang daga sa 'king dibdib, unti-unting natatanggal

Bakal na puso ko, pa'no 'ko magmamahal?

Natutulog ba ang Diyos kaya pa'no ako magdadasal? (Yeah)

Bubuksan ko pintuan ng langit na sarado

Hanapin susi ng tagumpay kahit may kandado

Akin na ang kontrata, handa na ang lagda ko

Sa 'kin ang titulo ng hinahangad kong palasyo

Sinimulan ko 'to, walang naniniwala

Sa paligid ko

Eh, ano? (Eh, ano?)

Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina

At mas sisipagan ko pa

Kahit maubusan pa 'ko ng hininga

Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina

Maubusan man ng hininga

'Di na, para ako ay tumigil pa

Subukan natin bumalik (bumalik)

Sa bawat daan na matinik (matinik)

Kahit na hindi makahalik

Maabot ka lamang ay palaging sabik-sabik

Kami pailan-ilan noon (pailan-ilan)

Mga taga igib sa balon (panahon pa noon)

Mababaw man o malalim

Palarin man o malasi

Ay na ka handa na tumalon (tumalon)

Sa bangin man o sa tulay (sa tulay)

Madilim at walang gabay (walang gabay)

Lahat ng bawal ay sinusuway

Gabi na'y naghuhukay, makita lang sa 'king kamay

Kahit maputik, hatak sa lubid

Laging uhaw at kulang sa tubig

Kung may mali, sige, umulit

Sa bagong papel pangarap mo'y iguhit

Sinimulan ko 'to, walang naniniwala

Sa paligid ko

Eh, ano? (Eh, ano?)

Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina

At mas sisipagan ko pa

Kahit maubusan pa 'ko ng hininga

Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina

Maubusan man ng hininga

'Di na, para ako ay tumigil pa

Naging bulag, pipi't bingi sa payo ng iba

Tinakwil na nga 'ko ng aking Ama't Ina

Kausap ang sarili, sa'n ba 'to mapupunta?

Rehab, kulungan, kamatayan mamili ka

Pero hindi, kailangan ko nang matakasan

At isulat sa papel, lahat ng naranasan

Nakaguhit sa kamay ang aking kapalaran

Ako ang Francisco sa makabagong balagtasan

Mga pikit ang pananaw may araw akong titignan

Tamis ng tagumpay unti-unti 'ko nang matitikman

Na sa'n korona? Ang ulo ko ay lalagyan

Alam mong ikaw ay hari ng sarili mong kaharian

Tawid, dagat, nilakbay ko kaya hindi na biro

Madalasan din maiwanan ang aking anino

Hanggang ang Jomari ay pwede nang ihalubilo

Sa Marlon, Aristotle, Andrew, at Kiko

Sinimulan ko 'to, walang naniniwala

Sa paligid ko

Eh, ano? (Eh, ano?)

Susulatan ko lahat ng mga blankong pahina

At mas sisipagan ko pa

Kahit maubusan pa 'ko ng hininga

Susulatan ko lahat ng mga blangkong pahina

Maubusan man ng hininga

'Di na, para ako ay tumigil pa

Pahina oleh Gloc 9/Pricetagg - Lirik & Cover